KABANATA 6

1.5K 17 0
                                    

KABANATA 6

SOMEONE'S POINT OF VIEW ❇

"Ano'ng ginawa mo sa kanya?!" Sigaw ni Clefford kay Rainne habang buhat-buhat si Arah.

"Wa-Wala.. I don't know!"

"The heck Rainne! Are you out of your mind?! Hindi mo alam kung ano ang p'wedeng mangyari sa kanya?" Sigaw ni Chordie at dinala nila sa clinic si Arah na wala na namang malay.

Naiwan si Rainne na tulala at hindi makapaniwala sa nangyari.

"Nurse! Nurse!" Sigaw ni Clefford pagpasok nila ng clinic at agad inihiga sa Arah sa may maliit na higaan sa loob.

"Ano'ng nangyari sa kanya?" Tanong ng nurse, tumingin si Clefford kay Chordie dahil hindi niya alam ang isasagot.

"Ah ate, nabasa po siya ng ulan. Allergy po 'yan."Sagot ni Chordie

"Sige, ako na ang bahala sa kanya, d'yan na kayo sa labas maghintay o baka may klase pa kayo. Pumasok na kayo." Sabi ng nurse

"Babalikan ko po siya dito." Sabi ni Clefford

"Ah, kaano-ano ka niya?" Tanong ng nurse

Nagkatinginan ang dalawa.

"Ahmm boyfriend niya po ako." sagot ni Clefford

"HA??" Gulat na samby ni Chordie at sinenyasan niya ito na sumang-ayon na lang.

"Ah oo nga po, boyfriend siya ni Arah." Sabi ni Chordie bago sila lumabas, nagtungo sa cr para magpalit ng damit matapos mabasa ng ulan.

"Magiging okay din siya 'di ba?" Tanong ni Clefford na may boses na nag aalala.

"Oo naman, pero ngayon lang ito nangyari." Sagot ni Chordie

"Bakit siya pa? Bakit siya yung kailangang makaranas ng lahat ng ito? Napakabait niyang tao." Sabi ni Clefford

"Alam namin bro, nagtataka nga kami kung paano niya nakakayanan lahat." Sagot ni Chordie

-

"Babe! Nasaan na si Arah?" Tanong ni Melody pagpasok nila ng classroom.

"Nasa clinic na siya Babe, ginagamot na siya ng nurse." Sagot ni Chordie

"Kasalanan mo 'to!" Sigaw ni Xylou kay Rainne

"Hindi mo siya kilala! Paano kung namatay siya dun ha? Ha! Paano? Ano'ng magagawa mo!!" Bulyaw pa ni Sharfaye

"Eh malay ko ba! mamamatay siya dahil lang sa ulan? Kalokohan!" Sagot ni Rainne

Susugurin na sana ni Melody si Rainne pero napigilan siya ni Chordie.

"Mr. Zarco, ikaw ba ang nagdala kay Miss Musico sa clinic?" Tanong ng professor nila

"Ako nga po, bakit po?" Tanong ni Clefford

"Hindi pa rin siya nagkakamalay at ang mga pantal niya ay hindi pa rin umiimpis. May gamot pa ba siya?"

"Hindi ko po alam kung mayroon pa. Ako na po ang maghahatid sa kanya pauwi mamaya pagkatapos ng klase." Sagot ni Clefford

"Kawawa naman si Arah, bakit kasi nagpaulan siya e alam niyang mangyayari yun?" Sabi pa ng Prof. nila bago nagsimulang magturo.

"M-Monica, is that true? P'wede daw siyang mamatay dahil dun?" Mahinahon ang boses na tanong ni Rainne kay Monica.

"Yeah. Lalo na kung natagalan pa siya, matagal bago bumalik sa dati ang balat niya. Kapag bumahing siya malamang uulan​ at hindi siya p'wedeng mabasa."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Kinakausap na nga kita para makaalis na siya pero hinigit mo pa rin ang buhok niya kaya ayun, naabutan siya ng ulan at nabasa.
Ikaw ang may kasalanan, hindi ako." Sabi ni Monica

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon