KABANATA 5

1.6K 20 0
                                    

KABANATA 5

GYTE ARAH's POINT OF VIEW ❇

I trust him kaya sinabi ko sa kanya lahat.

"Gammy, gabi na hatid na kita pauwi. Baka kung mapa'no ka pa sa daan." Sabi ni Clefford

"Sige." Pumayag naman ako, feeling ko safe ako kapag kasama ko siya kahit kaya ko naman ang sarili ko.

Weird.

"Dito na lang, mag-iingat ka pauwi." Sabi ko

"Text mo 'ko mamaya." Sabi niya

"Ha? Wala akong load e 'tsaka hindi ko naman alam ang number mo. " Sagot ko

"Eto nga ibibigay ko sa 'yo pero dahil hindi ka naglo-load, ako na lang ang tatawag sa 'yo. " Sabi niya

Para-paraan din 'to e.

"Salamat ha." Sabi ko at ibinalik na sa kanya ang salamin niya na hanggang ngayon ay suot-suot ko pa pala.

"See you tomorrow Gammy." Nakangiti niyang paalam, napatulala ako saglit dahil sa ngiti niyang yun.

Kung magpapagupit lang siya tapos mag-aalis ng salamin... guwapo siya.

"Gammy, oy!"

"Ah eh, ingat CiiGee, thank you ulit." Sabi ko at napatalikod na, napahawak ako sa pisnge ko, bakit mainit ako? wala naman akong lagnat.

-

"Bakit nga kasi ngayon ka lang Tom? Kanina ka pa raw umalis sa Farm sabi ng secretary mo."

Nandito pa lang ako sa may gate ay rinig na rinig ko ang boses ni Mama.

"May nilakad lang ako, eto oh." Sagot ni Papa, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa loob.

"Talaga? Pupunta tayo sa Hong Kong? Kailan mahal?" Rinig ko ulit na sabi ni Mama pero excited na ang boses nito at hindi na pagalit.

"Sa isang buwan pa mahal. Pag-uwi ng mga anak nating apat tapos bumalik na sila ulit sa misyon 'tsaka tayo magbabakasyon. Wala naman mangingialam sa hacienda natin dahil kilala nila tayo." Rinig kong sagot ni Papa

Sa likod ng bahay na lang ako dumaan deretso sa maliit kong kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako ulit. Sa weekend, aalis na ako dito, mamumuhay mag-isa na kahit nandito ako sa bahay ay parang ganoon na rin naman, mag-isa. Kapag nandito lang sila Kuya ako kinakausap ni Mama pero 'yon at dahil may iuutos siya. 

Inilagay ko na sa bag ang ibang gamit ko, nilagay ko na rin sa ilang box ang mga damit at mga bagay na kailangan ko.
Tinapos ko na ang homework ko at tumambay ulit sa harap ng bintana, walang buwan?

Madilim at tanging bituin ang nakikita ko.

Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o totoo, may bituin na hugis gitara. Titig na titig ako sa kanila pero napabalik ako sa wisyo ng biglang mag-ring ang cellphone ko.

Unknown number, sino kaya 'to?

"Hello? Who's this?" Mataray kong tanong

"Ang taray ha. Hi Gammy." Sabi ng lalake sa kabilang linya. Parang kumabog ang dibdib ko ng marinig ang boses na 'yon.

"CiiGee?" Nagtataka kong tanong.

"Hi Gammy, kumain ka na ba?" Tanong niya

"Hindi pa e mamaya na, titirhan naman ako ng pagkain doon sa karinderya na kinakainan ko e." Sabi ko

"Nandito ako sa karinderya, sa kabilang kanto." Sabi niya

"Huh? Ano'ng ginagawa mo d'yan?" Tanong ko

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon