KABANATA 36
GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★
Alpa? Parang nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kung saan.
"Grabi 'tol, may pakindat na may pa-flying kiss pa sa 'yo. pogi mo eh 'no?" Pang-aasar ni Chordie kay Clefford
"Sus. Alam ko namang pogi ako 'tol kaya hayaan na natin yun. Kumain na tayo. Bibili lang kami Gammy." Sabi niya sa akin.
"Sige." Sabi ko at dumeretso na kami sa tambayan namin.
''Mukhang may gusto yun sa Jowa mo ah." Sabi ni Melds
"Oo nga, the way she speak and say, “Hi Clefford Gee”, ang arte arte." Sabi ni Rainne
"Hayaan ni'yo na." Sabi ko na lang pero deep inside, nagseselos ako.
Pinagmasdan ko yung babae, 'yong Alpa. Nakikipagharutan siya sa mga lalake sa may cafeteria, tumitili pa siya at kapag tumatawa parang kinikilig pa sabay hampas sa katabi niya.
Napa-iling na lang ako.
"Bakit?"" Tanong ni Monica
"Wala. Naisip ko lang na daig ng malandi ang maganda." Sabi ko
"Hmm. May point ka d'yan sa sinabi mo." Sang ayon ni Melody
"Ano'ng pinag-uusapan ni'yo?" Tanong ni Sharfaye
"Siya." Turo ni Rainne kay Alpa
"Nandito na pala 'yan? Classmate ko 'yan, ang arte arte tapos mukhang nilalandi pa niya yung mga boys sa room e 'di yung mga classmate namin tuwang tuwa naman." Iiling-iling na sabi ni Sharfaye, "Hindi pa nga break time e lumabas na yan."
"Kain na tayo, bumili kami ng pagkain para sa ating lahat." Sabi ni Chordie
"Ay salamat, umabot ako. Ang dami naming ginawa, first day pa lang e." Sabi ni Xylou at naupo sa tabi ko, napatingin siya sa gawi ni Alpa.
"Anong ginagawa n'yan dito?" Tanong niya
"Kilala mo?" Tanong ko
"Oo, sa mukha lang pero hindi ko alam ang pangalan. Malapit sa bahay namin ang bahay n'yan, nagwo-work 'yan sa isang sikat na kainan, hinaharot nga niya yung boyfriend ko e." May gigil na sabi ni Xylou
"Ay confirm!" Sabi ni Monica
"Hayaan ni'yo na lang, kumain na tayo. Hindi tayo mabubusog kung pag-uusapan natin siya." Sabi ko, napapansin kong palagi siyang tumitingin kay Clefford , naku!
"Gammy, kain na. Bakit nakasimangot ka d'yan?" Tanong ni Clefford
"Wala. Nawalan na ako ng gana kumain." Sagot ko
"Bakit? Ayaw mo ba nitong binili ko?" Tanong niya
"Hindi naman. Nawala lang ako sa mood dahil kanina. Mamaya na lang ako kakain CiiGee." Sabi ko
"Kahit konti, kain ka na para maka-inom ka ng gamot." Sabi niya pa
"Biscuit na lang." Sabi ko
Ibinili niya naman ako, yun lang ang kinain ko tapos uminom na ako ng gamot. Bumalik na kami sa susunod naming klase pero wala talaga ako sa mood, hindi ko alam kung bakit.
Dahil ba sa dami ng naisagot ko sa tanong ni Prof. Cuevas tapos bumaliktad yung utak ko o parang nagseselos ako sa Alpa na yun.
Paano niya nakilala si Clefford at iba ang pakiramdam ko sa kanya, actually sa kanila ni Khalil, mukhang hindi totoong tao, fake yung pakikitungo, gano'n. Weird!
"Gammy, class dismissed na daw, tulala ka. May gumugulo ba sa isip mo? Okay ka lang ba?" Tanong ni Clefford, tumango lang ako at wala sa sariling lumabas ng room. Sinundan niya ako at kinuha ang bag ko, kasabay namin pababa ng hagdan ang mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Dragoste[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...