KABANATA 24
GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★
Hindi pa rin ako binibitawan ni Kuya Drammy, mahigpit ang yakap niya at gusto kong umiyak, first time 'to, ngayon lang niya 'to ginawa sa loob ng eighteen years.
Hindi ko na napigilan ang luha ko at tuluyan ng nag-unahang umagos.
"P-Puwede ba kitang maka-usap Arah?" Tanong niya, dahan-dahan akong tumango.
"Ahmm Arah, doon na kayo mag-usap sa k'warto mo, tatawagan ko na rin si Clefford, may sasabihin ako sa kanya." Sabi ni Ate Tess
"Salamat po." Sabi ko, naglakad ako papunta sa k'warto ko, sumunod naman si Kuya Drammy.
Pakiramdam ko'y mamumugto na naman ang mata ko, ang hirap pa naman magpaliwanag kung bakit ka umiyak lalo na kung alam nilang hindi ka marunong mag sinungaling.
"M-Maupo po muna kayo." Sabi ko, napansin kong napatingin siya agad sa dalawang picture frame na nasa maliit na mesa, bigla siyang nagpunas ng mata bago tumingin sa akin.
"K-Kumusta ka?" Tanong niya
"O-Okay lang naman po ako." Sagot ko at pilit ngumiti, paiwas na sana siya ng tingin pero hindi na niya nagawa dahil siguro nakita niyang ngumiti ako ng konti.
"Bakit nga po pala kayo napadaan dito?" Tanong ko
"Arah.."
"Paano po ninyo nalaman na nandito ako?" Tanong ko pa
"Sinundan kita kanina simula noong lumabas kayo ng school, pumasok ka sa clinic at papunta dito." Sagot ni Kuya Drammy
Nilapitan niya ako at niyakap ulit.
"Bunso.." Sambit niya, ngayon niya lang ako tinawag na bunso, ano ba'ng nangyayari sa kanya?
"A-Ano po ba ang dahilan ng pagpunta ninyo dito?"
"Patawarin mo ako, nandito ako para huminge ng tawad sa iyo. Ako yung panganay, ako dapat ang nakakaintindi ng lahat pero ako pa yung nagmamatigas. Alam kong alam mo na ginawa ko lahat ng 'yon para Kay Mama at 'yon ang mali ko, alam kong mali si Mama pero siya pa rin ang sinusunod ko, sinusunod namin. Alam kong mas close kayo ni Vash dahil minsan sinusuway niya si Mama para sa 'yo. Ako 'yong panganay Arah, ako dapat ang nakakaintindi ng lahat." Umiiyak na sabi ni Kuya Drammy, hindi ko na naman napigilang umiyak.
Napatungo na lang ako. "Bunso.." Tawag niya sa akin at iniharap ang mukha ko sa kanya.
"K-Kuya, alam kong alam ninyo na mahal na mahal ko kayo kahit hindi ninyo ako mahal, hindi ko kasi nararamdaman yun, ginawa ko po lahat pero unti-unti na rin akong sumuko dahil wala namang nagpapahalaga. Walang nakaka-appreciate ng lahat ng ginawa ko. Hindi ninyo po ako masisisi na umalis ako sa bahay, ginawa ko yun para sumaya si Mama. Gusto ko siyang mapasaya sa pamamagitan ng pag-alis ko. "
"A-Arah.."
"All this time, mag-isa lang ako. Oo, may mga kaibigan po ako pero may mga sarili silang buhay, may mga pamilya sila. Kasama ko sila buong araw pero pag-uwi ko mag-isa na naman ako." Sabi ko, hindi ko na napigilan ang emosyon ko.
"Arah I'm sorry. Noong una, hindi talaga kami naniniwala na magagawa yun ni Mama dahil hindi namin alam, palagi kaming wala, pero nung nakita namin na ganoon nga ang ginagawa ni Mama, hindi kami makapaniwala. Ewan ko ba, sobrang tagal na nun pero hindi pa rin nakakalimutan ni Mama. Sorry Arah, I'm so sorry bunso."
Nagpunas ako ng luha at uminom ng tubig. Sumisikip ang dibdib ko. "O-Okay lang po ako," Sabi ko. "N-Nakilala ko na po yung totoong tatay ko, saklap lang kasi hindi po kami nagkakilala ng maayos, nawala rin siya agad e." Sabi ko at napatingin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...