KABANATA 13
CLEFFORD GEE'S POINT OF VIEW ❇
"Ate Carol, uuwi na po muna kami. Babalik na lang po kami bukas after class." Paalam ko, nandito na kami sa bahay nila at nakaburol na ang asawa niyang si Kuya Gary.
Niyakap ni Ate Carol si Arah. "Kapag nailibing na si Gary, mag-usap tayong dalawa Arah." Humihikbing sabi ni Ate Carol kay Arah, tumango lang si Arah, hindi pa rin siya nagsasalita simula kanina dahil sa nangyari kanina sa hospital, kahit ako ay naguguluhan din.
"Uwi na tayo Gammy." Yaya ko sa kanya, sumunod lang siya sa akin papunta sa sakayan ng tricycle.
"Gammy, nagugutom ka ba?" Tanong ko pagpasok ng gate, umiling-iling lang siya at nagdere-deretso papunta sa dulo, sa k'warto niya.
Tumambay ako sa tapat ng pinto sa kuwartong tinitirhan ko. Hinihintay ko siya, baka kasi lumabas at kung saan magpunta.
Tulala ba siya dahil sa nalaman niya at sa nangyari o baka yung sakit niya– huwag naman po sana.
Napatayo ako ng bumukas ang pintuan niya, lumabas siya at naglakad papunta sa upuan malapit sa gate ng boarding house, umupo siya sa lugar kung saan siya palaging tumatambay at tumingin sa langit, magkakalahati na lang ang buwan.
Kinuha ko ang jacket ko at umupo sa tabi niya, ipinatong ko sa kanyang balikat ang jacket.
Niyakap niya ako bigla, hindi pa rin siya nagsasalita. Matagal siyang nakayakap sa akin, niyakap ko na rin siya at iniharap siya sa akin, pinatingin ko siya sa mga mata ko at pinunasan ang luha niya.
"Gammy.." Sambit ko, niyakap niya ako ulit.
"Bakit gano'n CiiGee? Bakit kailangang mangyari lahat ng 'to? Bakit ko nararanasan yung ganito? Patapon na lang ba talaga ang buhay ko? Hihintayin ko na lang ba na kunin ako ng Diyos?"
"Pssshh Gammy.. May rason kaya nangyayari lahat ng ito. Gagaling ka din, malalampasan mo lahat ng 'yan, 'di ba sabi ko sa 'yo tiwala lang at dasal, huwag kang mawalan ng pag-asa, huwag kang panghinaan ng loob." Sabi ko
Napabuntong hininga siya at tumingin ulit sa buwan.
"CiiGee, bakit ako ang napili mong mahalin?" Tanong niya pero sa buwan pa rin siya nakatingin.
"Hindi kita piniling mahalin Gammy, kusa ko yung naramdaman. Hindi ko rin maipaliwanag kung paano nagsimula lahat. Basta ang alam ko sa simula pa lang, noong mga bata pa tayo ay gusto na kita. Ikaw lang kasi yung batang gustong makipaglaro sa akin noon, ikaw lang yung nag-iisang may gusto sa mga ginagawa ko, palagi tayong tumatakas para lang umakyat sa mga puno kasi doon tayo masaya, doon natin makakalimutan yung mga problema natin sa murang edad. Kakaiba ka at mahal kita Gammy. I love you." Sabi ko
Ngumiti siya. "I l-love you t-too." Sambit niya
"I love you too? Mahal mo rin ako? Tayo na ba, tayo na?"" Mabilis at sunod-sunod kong tanong.
Tumango siya. "Oo, tayo na. Thank you CiiGee for loving me. Ikaw lang yung nagparamdam sa akin ng ganito. Salamat ha, sana kahit dumating na sa point na tuluyan na akong hindi makaalala e ako pa rin yung mahal mo." Sabi niya
"Hindi yun magbabago. Thank you din Gammy. I love you, i love you, i love you so much." Sambit ko at hinalikan siya sa noo. Kahit may pinagdadaanan siya ngayon, alam kong naging masaya siya at mas naging masaya ako dahil kami na, kami na ng babaeng mahal ko.
SOMEONE's POINT OF VIEW ❇
"Nakauwi din, hayyy! Sobrang traffic talaga." Sabi ni Mrs. Violeta habang bumababa ng sasakyan, kakabalik lang nila galing Hong Kong.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...