KABANATA 28
CLEFFORD's POINT OF VIEW ★
Sunday morning, kakatapos lang ng mass. Hindi namin nakita sila Mommy Rose kaya kami na ni Arah ang nagpunta sa bahay nila.
"Kinakabahan ka ba CiiGee?" Tanong ni Arah
"Medyo Gammy pero kakayanin ko. Kaya ko 'to." Sabi ko
"Tara na." Yaya niya at nagpunta na kami sa bahay ng parents ko.
"Nandito na sila!" Sigaw ni Rainne, binuksan niya ang gate at pinapasok kami.
"Hi Kuya! Hi Arah." Bati niya sa amin at nakipagbeso pa bago kami tuluyang pumasok sa bahay.
"Hello po Tita, Tito. Good morning po." Bati ni Arah kay Mommy at Daddy.
Yumakap naman si Mommy Kay Arah. Lumapit din ako sa kanila at nagmano at bigla akong niyakap ni Mommy kaya niyakap ko na rin siya.
"Kumusta po kayo M-Mommy?" Tanong ko, tumingin siya sa akin na umiiyak.
"A-Anak... anak, I'm sorry ha. I'm sorry." Humihikbing sabi ni Mommy.
"Okay lang po yun. Hindi ni'yo naman po kasalanan e sorry din po kasi ganoon ang inisip ko at sinisi ko pa kayo." Sabi ko pa at niyakap ulit si Mommy, lumapit rin si Daddy pati na rin si Rainne at yumakap din sa amin.
Napalingon ako kay Arah, nakatingin lang siya sa amin, nakangiti pero yung lungkot ay nakikita sa mga mata niya.
Nilapitan siya ni Tita Rica at niyakap.
Naupo kami sa sofa, nakayakap pa rin si Mommy Rose sa akin.
"Anak, paano naman kayo nagkakilala ni Arah?" Tanong ni Daddy Joey sa akin.
"Alam ko Dad." Sabi ni Rainne
"Paano mo naman nalaman Rainne?" Tanong ko
"E 'di ba sa school Kuya, pareho tayong transfer tapos kaibigan ni Arah si Chordie na naging kaibigan mo rin kaya kayo nagkakilala." Sagot ni Rainne
"Mali." Sabi ni Arah, napakunot noo si Rainne.
"Huh? Bakit mali ako?" Tanong niya
"Kasi bata pa lang kami ay magkakilala na kami." Sagot ko
"Talaga anak? Paano kayo nagkakilala?" Tanong ni Mommy
"Gammy, ikaw na nga ang magkuwento, nahihiya ako e." Sabi ko, natawa naman sila.
"Sige Arah, ikaw na." Tumatawang sabi ni Tita Rica
"Ganito po kasi yun." Lahat sila titig na titig kay Arah, interesadong-interesado malaman ah.
"Magkalaro po kami palagi sa People Love Nature, doon sa park. Mahilig po kaming umakyat sa mga puno doon. Tumatakas po kasi kami pareho, siya sa ampunan ako naman sa bahay namin." Kuwento ni Arah
"Bakit ka naman tumatakas anak?" Tanong ni Daddy
"Ayaw po nila akong kalaro e 'tsaka lahat sila pinagpipilian ampunin, ako lang ang hindi." Sagot ko
"Eh ikaw Arah? Bakit tumatakas ka rin sa inyo, hindi ka nagpapaalam?"
"Kasi po Tita, wala naman po silang pake alam kung saan man ako magpunta. Kapag nagpaalam naman po ako, hindi naman po sila sumasagot at lagi nilang sinasabi na bahala raw po ako sa buhay ko kaya ayun po." Sagot ni Arah
"Long story Ate. Sa mga pinagdadaanan nitong batang 'to, hindi ka maniniwala na nakakayanan niya lahat." Sabi ni Tita Rica kay Mommy
"Ganoon ba? Paano mo naman nalaman Rica?" Tanong ni Mommy
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...