KABANATA 45 : THE LAST CHAPTER
AUTHOR's POINT OF VIEW ★
January one.
“Kay bilis ng pangyayari
At hindi ko namalayan
Na ako pala'y iiwan mo ng gano'n na lang
Kahit na anong gawin
Hindi kayang tanggapin ng puso at isipin na ika'y lilisanMaaari bang dinggin ang natatangi kong hiling
Sana ay makapiling kang
Muli kang masilayan at muli kong mahagkan
Sana'y 'di na iwan pang muli.”Kumakanta ang isang tao sa harap ng isang puntod hawak ang isang gitara habang umiiyak at bumubuhos din ang ulan.
G-Gusto na kitang makitang muli. Mi–Miss na miss na kita." Sambit ni Clefford sa puntod ni Arah.
"Nag-aral akong kumanta at tumugtog ng gitara para matupad ang wish mo na makantahan kita balang araw. Sana pala ay matagal ko ng ginawa, puro sugat ang mga daliri ko dahil hirap na hirap akong tumugtog pero ginawa ko pa rin para sa 'yo. Happy birthday Gammy, thank you for everything. Hindi pa rin ako makapaniwala na iniwan mo na ako. Miss na miss na kita, Happy New year." Sambit ni Clefford
• FLASHBACK •
Ipinasok na si Arah sa Emergency room.
Naghintay sa labas ang pamilya ni Arah pati na din si Clefford, tinawagan ni Clefford isa-isa ang mga kaibigan nila pati na ang family niya.
Napasugod naman sa hospital sina Miss Carol, Mommy Rose at Daddy Joey ni Clefford pati na rin si Rainne at Tita Rica niya.
"Ano'ng nangyari kay Arah?" Tanong ni Miss Rose
"Bigla na lang siyang natumba habang kumakain kami tapos sinabi niya na mahal na mahal niya kaming lahat." Sagot ni Miss Violeta na paiyak na.
"Clefford, Clefford si Arah? Okay na ba siya?" Tanong ni Melody na kakarating lang at hingal na hingal pa kasama nito si Chordie, Sharfaye at Xylou pati na rin si Monica.
"N-Nasa loob pa siya." Malungkot at mahinang sambit ni Clefford, napabuntong hininga siya.
Lumapit si Clefford sa kanyang Tita Rica, niyakap siya at napahagulgol.
"Tita, Tita . . . Tita, ayoko na. Hindi ko kakayanin. Tita, paano kung ito na yun?" Sabi ni Clefford
"Think positive Clefford."
"Tita . . . Tita . . ."
Nagtataka na ang pamilya at kaibigan nila sa ikinikilos ni Clefford.
Ang tagal na nilang naghihintay pero hindi pa rin lumalabas ang Doctor.
"Bakit wala pa? Bakit hindi pa lumalabas ang Doctor? 'Ma, bakit wala pa?"
"Anak, hintayin natin, baka hinihintay nilang magising ang kapatid mo." Sabi ni Miss Violeta kay Vash.
Napatayo sila agad ng lumabas ang Doctor, lalo na si Clefford.
"Doc, kumusta po siya? Kumusta po ang fiancee ko?" Tanong agad ni Clefford, Tumingin lang sa kanya ang Doctor, tiningnan sila isa-isa.
"Doc! Nasaan na ang anak namin? Gising na ba siya? Puwede na ba siyang operahan? May donor na po 'di ba?" Sunod-sunod na tanong ni Miss Violeta.
"Ahmm, huwag po kayong mabibigla sa sasabihin ko. Ang pasyente po ay . . . wa-wala na."
"Ano'ng wala na? Hindi puwede! Hindi puwedeng wala na ang anak ko! Ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula nung magka-ayos kami. Sabihin mong okay lang ang anak ko!" Sabi ni Miss Violeta, napa-upo na lang si Clefford at napaluha.
Lahat ng mga kaibigan at pamilya nila ay nag iiyakan na din.
"I'm sorry for your lost. Pilit pong lumalaban ang pasyente pero yung puso niya ay kusang sumuko na." Sabi pa ng doctor.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romantizm[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...