KABANATA 12
GYTE ARAH'S POINT OF VIEW ❇
"Maaari na ninyong ipasa ang mga project ninyo." Sabi ng Prof. namin
"Prof. kukunin ko lang po sa locker ko." Sabi ko
"Okay Miss Musico." Sabi ng Professor namin at lumabas na ako ng room.
Nagtungo ako sa locker room at kinuha ang project na ginawa namin ni Rainne. Isang malaking libro na naglalaman ng mga bagay na connected sa music. Mabilis akong bumalik sa klase namin at ipinasa sa teacher ang project namin.
"Ano 'to?" Tanong ng Prof. namin
"‘Yan na po 'yong project namin Prof. mali po ba ang ginawa namin?" Tanong ko
"Hindi. Tama 'yong ganito, hindi ko nga alam na ito na yun dahil parang libro talaga siya. Good job Rainne at Arah. Ang galing ng naisip ninyo." Puri ng Professor namin sa amin.
"Salamat po." Sabi ko
"Thank you po." Sabi din ni Rainne
"Ginalingan mo na naman masyado Arah. Panigurado mataas ang grade ninyo." Sabi ni Melody
"Hindi naman. Late na nga kaming gumawa e 'di ba?" Sagot ko
"Iba talaga kapag isang Miss Gyte Arah Musico ang gumawa, unique." Sabi ni Chordie
"Sus, bola! Lahat tayo ay magaling kasi natapos natin at naipasa sa tamang oras." Sabi ko pa
"Uy humble." Sabi ni Monica at nagtawanan sila pero mahina lang.
Kakalabas lang namin ng Campus. Tapos na ang last subject namin, hindi namin kasabay sina Melody at Chordie, may date daw sila, na naman.
"Gammy, punta tayo kina Ate Carol." Sabi ni Clefford
"Sige. Ngayon na, bihis lang ako tapos punta na tayo."
"'Di ba umuwi yung mga kapatid mo?"
"Oo, pero alam kong nasa Hong Kong sila ngayon." Sagot ko
"Silang lahat nasa Hong Kong? Hindi ka nila sinama?"
"Hindi."
"Hayaan mo Gammy, kapag kasal na tayo at mayaman na tayo pupunta tayo sa Hong Kong." Sabi niya at agad akong napatingin sa kanya.
"'Wag mo akong tingnan ng ganyan. Seryoso ako sa sinasabi ko," Sabi pa niya, "Seryoso ako sa 'yo."
Ngiti lang ang isinagot ko.
"Bilisan mo para maaga tayong makapunta kay ate Carol." Sabi ko
"Opo Binibini, bibilisan ko po." Sabi niya sabay kindat.
Naglakad lang kami papunta sa bahay nina ate Carol, bahay nila na karinderya rin.
"Kapag nakita mo na yung totoong Tatay mo, ano'ng gagawin mo Gammy?" Tanong niya
"Hindi ko din alam, siguro yayakapin ko. Hindi naman kasi ako masamang tao, kahit bunga lang ako ng pangg*gah*sa niya Kay Mama. Siya pa rin ang Tatay ko." Sagot ko
"Sa tingin mo, makikilala kaya natin siya ngayong araw?"
"Oo, malakas ang kutob ko. Ewan ko ba, parang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan." Sagot ko
Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil. "Tiwala lang Gammy." Sabi niya
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at nang malapit na kami sa kanto at nagkatinginan kami ni Clefford at sabay napakunot noo.
Maraming tao sa may karinderya at may ambulansya.
Ano'ng nangyari?
Napatakbo kami para tingnan kung anong nangyari.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Lãng mạn[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...