KABANATA 39

1.2K 18 0
                                    

KABANATA 39

SOMEONE's POINT OF VIEW ★

Hindi umuwi si Arah sa boarding house ng gabing yun, sabado naman kinabukasan at walang pasok kaya nag-stay na lang siya sa isang convenience na bukas twenty four seven at doon tumambay.

"Ma'am, may hinihintay po ba kayo dito?" Tanong ng isang lalake na lumapit sa kanya.

"W-Wala po, puwede bang dito muna ako?" Tanong ni Arah

"Puwede naman po Miss Musico."

Napatingin si Arah sa kanya. "Kilala mo ako?" Tanong ni Arah

"Opo. Idol kayo ng kapatid ko kaya kilala ko kayo, Si Mara po." Sagot ng lalake

"Ah, thank you. Kilala ko siya." Sabi ni Arah, naalala niya si Mara, ang babaeng nasa event niya noong nakaraan.

Doon na nagpalipas ng gabi si Arah, kinaumagahan ay dumeretso siya sa bahay ng 'Nay Carol niya.

"Arah, ano'ng nangyari sa 'yo?" Tanong ni Miss Carol

"Hindi po ako makahinga ‘Nay." Sagot ni Arah

"Uminom ka muna ng tubig, saan ka ba galing?"

"Sa convenience store po. 'Nay, ramdam ko pong magkakasama na kami ni Tay Gary, kapag nakita ko po siya, sasama na ako." Sabi ni Arah

"Anak, huwag kang magsalita ng ganyan. Alam kong gusto mong makausap ang Tatay mo pero hindi naman sa paraan na gusto mo. Ano ba ang nangyari?" Tanong ni Miss Carol

Ikuweninto ni Arah lahat. "Anak, nagpadalos-dalos ka naman, dapat nag-usap kayo at saka hindi mo siya hinayaang magpaliwanag muna."

"Nadala na ako ng emosyon ko 'Nay. Ayos lang yun, mahal na mahal ko naman siya kahit ano man ang nangyari. Siya pa rin yung mahal ko, hindi yun magbabago, hindi siya mapapalitan." Sagot ni Arah at yumakap na kay Miss Carol.

"Puwede po bang dito na muna ako tumira Nay Carol? Hindi ko pa po siya kayang harapin, ang sakit po 'Nay Carol, sobra." Sabi ni Arah

"Sige 'nak, ako na ang kukuha ng mga gamit mo doon."

"Salamat po 'Nay Carol, pupunta po muna ako sa sementeryo, dadalawin ko lang po si 'Tay Gary." Sabi ni Arah

"Sige. Mag-iingat ka, pupunta na din ako doon sa boarding house at ikukuha kita ng damit."

Nagpunta si Arah sa sementeryo. "Tay, mag-isa na lang po ako ngayon, iniwan na ako ng lalakeng tanging lakas ko. Mahal na mahal ko po siya pero baka way 'to ni Lord para magkasama na tayo o para kapag nawala ako, hindi na sila masasaktan masyado. Miss na miss ko na po siya Tay, ang hirap po nito sa akin, sobrang hirap." Sabi ni Arah at nagsimula na naman siyang umiyak.

Nakaupo siya sa tabi ng puntod ng Tatay Gary niya. Sa hindi kalayuan, nakatingin si Khalil sa kanya, dinalaw ni Khalil ang Mama niya.

"Tay, namimiss ko na po sila Kuya kaso nalaman po nila Mama na nakikipagkita sila sa akin kaya ayun, sa tuwing lumalabas po sila Kuya ay sinasamahan po ni Mama para masigurado niya na hindi ako pupuntahan. Ang malas ko Tay 'no? Iniiwan ako ng lahat, lahat ng mahal ko iniiwan ako." Sabi ni Arah, walang tigil ang pagbahing niya, ramdam niyang uulan pero hindi siya umalis. Nanatili siyang nakaupo sa damuhan, hinihintay na umulan.

Dalawang beses pang bumahing si Arah
Unti-unti ng pumapatak ang ulan kasabay ng pagluha ni Arah.

*Achoo!* Sa bawat pagpatak ng ulan ay nagpapantal ang balat ni Arah, tinitiis niya, hindi na niya ramdam ang sakit, namamanhid na siya.

*Achoo!* Basang basa na si Arah at ang buong katawan niya ay puro pantal na saka pa lang siya tumayo. Nakakailang hakbang pa lang siya ay bigla siyang natumba.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon