KABANATA 7
GYTE ARAH'S POINT OF VIEW ❇
Nakatulog ako pagkalagay ni Clefford ng bimpong basa sa noo ko. Feeling ko ay hindi ko na kakayanin, nagsabay-sabay lahat e. Nahihirapan akong huminga, sumasakit ang ulo ko at medyo nagdidilim ang paningin ko , masakit ang balat ko dahil sa pantal at allergy tapos nilalagnat pa ako.
Bakit po ba ganito?
Ako na yata ang pinakamalas na tao sa mundo.
Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko pero nanatili akong nakapikit.
"Gammy, gusto kita.. hindi, mahal na kita. Narinig ko
Si CiiGee ba 'yon? At ano'ng sabi niya? Mahal niya ako? Totoo ba ang narinig ko o nawawala lang ako sa sarili ko.
Hinalikan niya ako sa noo bago ko narinig ang yapak niya, naglakad palapit sa pintuan.
"C-CiiGee." Tawag ko sa kanya, hindi siya lumingon kaagad.
"Ga-Gammy, gising ka na pala, kanina pa ba?" Tanong niya na nauutal, tumango lang ako at napakamot siya sa ulo.
"Ahm, narinig mo ba 'y-yong sinabi ko?" Tanong pa niya.
Tumango lang ako ulit. "Eh? Kukuha lang ako ng tubig saglit." Sabi niya sabay talikod at naglakad na palabas.
Pagbalik niya ay naupo siya sa tabi ko pero hindi ako nililingon, ayoko namang tanungin siya kasi baka nga nagkamali lang ako ng pagkakarinig.
"Okay na ang pakiramdam ko, salamat ha." Smbit ko saka pa lamang siya tumingin sa akin at pilit ngumiti pero parang naiilang.
"Walang anuman, anytime." Sabi niya sabay sapo sa noo ko, "Hindi ka na nga mainit." Sabi pa niya.
"Hindi ako nakapunta sa gig namin ngayon." Sabi ko
"Tumawag nga si Chordie, wala daw kayong gig ngayon, ayaw daw mag perform ng mga kaibigan mo kapag hindi ka kasama."
"CiiGee, puwede bang ihatid mo na ako sa bahay ngayon."
"Ha? Bakit, okay ka na ba talaga? Ayaw mo bang dito na lang matulog?" Sunod-sunod na tanong niya.
"Okay na ako. Kailangan kong mag-ayos nang mga gamit ko at lilipat na ako bukas. Si Mama.. gusto ko siyang mapasaya, ayaw na niya na umuwi ako doon." Sabi ko, "Pero kung ayaw mo naman akong ihatid, kaya ko naman umuwi mag-isa."
"Hindi, ihahatid kita, baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo sa daan." Sagot niya agad at tinulungan akong tumayo. Kinuha niya rin ang bag ko at siya na ang nagdala.
Sumakay kami ng tricycle patungo sa bahay namin. "Dito na lang." Sabi ko
"Mag-iingat ka, inom ka ng gamot 'tsaka may tinapay at biscuits d'yan sa bag mo, binilhan kita para hindi ka magutom. Bukas ay susunduin kita dito." Sabi pa niya at niyakap ako.
"Pagaling ka, Gammy." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Maraming salamat CiiGee."
Pinagmasdan ko siyang naglalakad papunta sa sakayan.
Bakit parang nahuhulog na ako sa 'yo? Ganito pala talaga ang pakiramdam, sino ba ang hindi mapo-fall sa 'yo ha Clefford?
Sobrang maalaga mo at ikaw lang 'yong gumawa sa akin ng ganito, pinaparamdam mo sa akin na hindi wala akong kuwenta, na hindi ako worthless, na karapat-dapat din akong mahalin kahit ganito ako."Arah, nandito ka pa e gabi na, at bakit ganyan ang suot mo?" Tanong ni Ate Carol na nakasalubong ko malapit sa bahay nila.
"Na-clinic po ako kanina e hinatid lang po ako ni Clefford dito kaya nandito pa ako ngayon." Sagot ko
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
عاطفية[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...