KABANATA 21

1.3K 17 0
                                    

CHAPTER 21

GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★

Hindi ko napigilang umiyak habang nakikinig ng kuwento nila Tito at Tita, para lang akong nanunuod ng teleserye, may mga rason pala sa kabila ng nangyayari sa pamilya nila.

Pagkarinig ni Clefford sa kuwento nila Tita Rose ay napaupo na lang si CiiGee sa sahig, naaawa na ako sa kanya, ramdam kong shock pa din siya sa mga nalaman niya at hindi pa ito nagsi-sink in, kahit ako naman ay na shock din sa nalaman ko.

''Uwi na tayo Gammy." Bulong niya na deretsong nakatingin sa mga mata ko, inalalayan ko siyang tumayo at pinahid ang luha niya sa pisnge.

"Ahmm Tita, Tito. Uuwi na po muna kami, nagyayaya na po siya. B-Bigyan ni'yo po muna siya ng time para matanggap niya po ang nangyari ngayon, hindi pa po siguro nagsi-sink in sa utak niya lahat ng sinabi ninyo." Sabi ko

"Arah iha, salamat. Samahan mo siya ulit papunta dito ha, sobrang tagal naming hinintay ang panahong ito. Salamat iha." Sabi ni Tita Rose at niyakap ako, nauna na si Clefford lumabas.

"Arah , ikaw yata ang pinadala ni God para sa amin , para mabuo ang pamilya namin. I can't believe na Kuya ko si Clefford and now you're my Ate na but . . . alam mo ba yung totoo?" Tanong ni Rainne at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin.

"Actually Rainne, noong isang linggo ko lang napatunayan na tama yung hinala ko. Tinawagan ko yung number, sumagot ka, pinakinggan lang kita pero hindi ako nagsalita, alam ni Clefford na kaboses mo yung babaeng sumasagot sa tawag niya dahil sinabi ko pero hindi naman kami sigurado, marami kasing tao na katulad mo magsalita." Sagot ko

Niyakap din ako ni Tito Joey at nagpasalamat ng sobra. Nilapitan din ako ni Dean Rica.

"Arah, Salamat. Binuo mo ang pamilyang ito, sana maging okay na din kayo ng pamilya mo." Sabi ni Dean

Ngumiti lang ako na may konting pag-iling. "Ate Rica, alam ni'yo po lahat sa buhay ko, alam ni'yo po na ginawa ko ang lahat pero sila– Amm sige po, salamat po ulit sa inyo. Ako na po muna ang bahala sa kanya, salamat po." Nag-bow ako sabay punas ng luha bago tumalikod.

Inaayos ko ang ibang pamilya para mabuo pero ang sarili kong pamilya ay watak-watak.

Paglabas ko ay naghihintay si Clefford, tulala.

Niyakap ko siya agad, napabungong hininga ako. "Gammy.." Tawag niya ulit sa akin, maamo ang mga mata niyang namumugto dahil sa kakaiyak.

"Sorry CiiGee, sorry kung hindi  ko sinabi sa 'yo agad, noong isang araw ko lang nalaman, ayaw ko namang pangunahan ang tadhana na malaman mo agad kahit hindi pa takdang oras." Umiiyak na sabi ko, baka kasi galit siya sa akin dahil hindi ko sinabi.

"Thank you Gammy, I love you." Sabi niya sa akin tapos pilit ngumiti, nagpunta na kami sa sakayan patungo sa boarding house. Walang nagsasalita, tanging buntong hininga lang ang naririnig.

Pagpasok namin ng gate ay dumeretso siya sa kuwarto niya, pinagmasdan ko siya, kailangan siguro niyang mapag-isa. Hindi naman niya ako kinakausap masyado.
Nagtungo na lang ako sa kuwarto ko at nagsulat na lang ng Tula, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Iniisip ko yung sinabi ko, paano kung isang araw paggising ni Clefford, hindi na niya ako mahal? Paano kung iwan niya ako?

Napahawak ako sa ulo ko..

No!

Please Arah! Don't think that!

Pilit kong kinukumbinse ang sarili kong wag mag isip ng kung anu-ano pero kusang pumapasok sa utak ko.

Ayaw kong maulit ang nangyari noon! Ayoko! AYOKO!!

Umiling iling ako.

Bumabalik lahat sa isip ko ang nangyari dati.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon