KABANATA 42

1.4K 19 0
                                    

KABANATA 42

GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★

Nandito pa din kami nakaupo, naka-akbay siya sa akin.

Narinig kong humihikbi siya, pinipigilan ko ang sarili ko kahit miss na miss ko na siya, miss ko na yung ganito.

Tiningnan ko siya, umiiyak nga siya pero hindi nakatingin sa akin.

Hinawakan ko ang kamay niya, napatingin siya sa akin. “I wanna grow old with you, I wanna DIE lying in your arms. I wanna grow old with you, i want to be looking in your eyes. I wanna be there for you, sharing in everything you do. I wanna grow old with you. ” Kanta ko sa kanya at niyakap ko siya.

"Gammy . . . miss na miss na kita, balik na tayo sa dati please." Sabi niya

"I love you CiiGee, I love you so much. I miss you..'' Sabi ko

"Okay na tayo?" Tumango lang ako, "Thank you. I promise, I wanna make you smile everyday." Sabi niya

" Arah , hindi ka pa ba kaka– oh Clefford, nandito ka pala. Kumain na kayo, naghanda na ako ng hapunan." Sabi ni 'Nay Carol

"Kasali ba ako sa hapunan Tita?"

"Oo naman. Naramdaman kong pupunta ka e." Sabi ni 'Nay Carol, pumasok na kami sa loob at kumain.

Namiss ko 'to, ang kumain kami ng sabay at magkulitan habang kumakain.

Alam ko namang sa lahat ng relasyon ay may pagsubok na darating, nagpadalos dalos nga siguro ako at nagpadala masyado sa emosyon ko kaya sumuko ako agad pero ngayon mas matured na ako, kaya ko na ang lahat kahit anong mangyari.

"Arah, Clefford. Tingnan ni'yo ang balita." Sigaw ni 'Nay Carol na nanunuod sa living room.

Napatayo kami ni Clefford at agad pumunta.

"Ano po'ng sabi sa news Nay?" Tanong ko

"Panoorin ni'yo, hindi ba't malapit sa school ninyo ang bahay na 'yan?" Sabi pa ni 'Nay Carol

Pinanood nga namin ang balita.

"Ano po ba ang nangyari?" Tanong ng reporter sa isang babae.

"Kapit bahay po kami ng biktima, kanina pong seven pm habang kumakain kami, may narinig po kaming sigawan. Ang sabi po ng isa ay, “Walang h*ya kang matanda ka! Pagkatapos ng lahat ng ginawa namin sa 'yo ito pa ang igaganti mo sa amin!” Sigaw po ng babae tapos yung lalake po ay nagsalita din, ang sabi niya, “Ano'ng karapatan mong sabihin sa kanya ang lahat? Sinira mo ang plano namin, wala ka ng karapatang mabuhay pa!” Sigaw pa po ng lalake sabay tumawa ng parang dem*nyo at may narinig po kaming putok ng baril, natakot po kami dahil limang beses po nagpaputok ng baril." Sabi pa ng babae

"Matatandaang ilang buwan pa lang ang nakakalipas ng mamatay ang kanyang manugang na si Ruth Hidalgo dahil umano sa naganap na buy bust at siya ang tinuturong p*sher. " Sabi ng reporter

"Hidalgo? 'Di ba Hidalgo si Khalil?" Tanong ni Clefford

"Oo nga 'no?"

"Hinihinilang lulong sa ipinagbabawal na gamot ang magkapatid kaya nila nagawang patayin ang kanilang Lola." Nabitiwan ko ang basong may lamang tubig na hawak hawak ko.

"Gammy, bakit?" Tanong ni Clefford, itinuro ko ang TV.

"S-Si Margie Hidalgo."

"Kilala mo 'nak?"

"O-Opo, siya yung nagsabi sa akin. Lola siya nina Khalil at Alpa, pinatay nila ang Lola nila." Sabi ko

"Sa kulungan na ang bagsak ng magkapatid dahil sa krimen na nagawa nila, nakuha din sa kuwarto nila ang hindi aabot sa sampung kilong ipinagbabawal na gamot. Ako po si Lanie Lim, nag-uulat."

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon