KABANATA 8
GYTE ARAH'S POINT OF VIEW ❇
Monday afternoo, kakatapos lang ng klase namin. Hinihintay kong lumabas si Rainne, sisimulan na kasi namin ang project para marami naming magawa at matapos kaagad.
"Arah, sino'ng hinihintay mo?" Tanong ni Monica sa akin.
"Si Rainne, nasaan siya?" Tanong ko
"I don't know. Ang alam ko e kanina pa siya lumabas." Sabi niya sabay talikod sa akin, napakunot noo ako, hindi ako hinintay e ang usapan ngayon namin sisimulan.
Naglakad na lang ako palabas ng University, nagbabakasakaling baka dumaan siya sa Tita niyang Dean, tinanong ko rin ang guard pero ang sabi ay nakalabas na raw.
Nakakainis naman ang babaeng 'yon, tsk tsk!
"Saan po siya nagpunta?" Tanong ko sa Guard
"Doon sa kabilang kanto tapos may dumaan na van, baka nandoon pa sa tapat nang dating tindahan, mga body guard niya yata yung humarang sa kanya." Sagot ng Guard ng University
Van? Mga lalaki na bodyguard?
Teka! Parang hindi maganda ang kutob ko.
Pumunta ako sa tindahan na itinuro ng Guard, nandoon nga si Rainne at may mga lalaking nakahawak sa magkabilang kamay niya at pilit nagpupumiglas si Rainne.
"Excuse me! Bitawan niyo siya, p'wede?" Sabi ko
"Bakit kami makikinig sa 'yo? Sino ka ba? O baka kasamahan ka ng babaeng ito!" Tanong sa akin ng isang malaking lalake.
"Classmate ko lang po siya at bitawan ni'yo na siya kasi gagawa pa kami ng project." Mahinahong boses ko pa ring sambit.
"Hindi p'wede! Alam mo ba na ang babaeng ito ay may malaking utang sa Boss namin, hindi siya nakakapag-bayad simula pa noon kaya naman inalam namin kung saan siya nag-aaral, ngayon bilang kabayaran, kikidnapin namin siya para humingi ng ransom sa pamilya niya bilang bayad sa mga utang niya." Sigaw ng lalaki sa amin.
"Arah p'wede ba, umalis ka na at humingi ka ng tulong Kay Tita. Ayaw kong sumama sa mga 'to!" Pasigaw na sabi ni Rainne
Nagtinginan ang limang lalaki sabay ngisi na parang aso at nagtawanan.
" Naiisip ba ninyo ang naiisip ko?" Tanong ng isa at ang apir pa sila.
"Kung dalawa ang bibihagin natin, madadagdagan ang pera na makukuha natin." Sabi ng isa at bigla akong tinutukan ng baril.
"'Wag kang magtatangkang tumakbo kung ayaw mong kumalat ang utak mo dito sa kalsada." Sabi ng lalaki
Nakatitig lang ako sa kanya, sa tingin niya ba ay natatakot ako? Marami nga akong sakit e, hindi naman ako takot mamatay.
"Sige! Iputok mo, barilin mo ako!" Sabi ko
"Aba! Palaban ang isang 'to!"
"Siya na lang ang kunin niyo, 'wag na ako." Sigaw ni Rainne at nagpupumilit makawala sa pagkakahawak ng mga lalaki.
"Kayong dalawa! Para naman tiba tiba kami."Sabi ng isang lalaki na puro bigote at nagtawanan sila bago isinakay na si Rainne sa Van.
"Sakay!" Sigaw sa akin ng lalaking may hawak na baril, nanatili akong nakatingin sa kanya.
"Ang sabi ko, SAKAY!!"
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa tabi ni Rainne pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila, tinitingnan ko ang mga mukha nila at mine-memorize ang bawat itsura.
*Achooo!!*
Mukhang uulan na naman.
"Bakit kasi pumunta ka pa dito? 'wag na 'wag mo akong sisisihin kapag may nangyari sayo, wala akong kasalanan!" Pasigaw at mataray na sabi ni Rainne sa akin.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Storie d'amore[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...