KABANATA 1

2.3K 25 0
                                    

KABANATA 1

GYTE ARAH's Point Of View ❇

"Nakahanda na po ang pagkain, kumain na raw po kayo." Tawag ko sa mga kapatid ko, seryoso ang mukha ko. Hindi naman kasi ako marunong ngumiti.

"Bunso!" Niyakap ako kaagad ni kuya Vash

"Kumain na po kayo, nandoon na sina Mama at Papa, hinihintay na kayo." Sabi ko pa

"Ikaw? Hindi ka ba kakain, ang payat payat mo na oh." Sabi ni Kuya Pian

"Mamaya na lang po kapag tapos na kayo at nakapaghugas na ako ng mga pinagkainan niyo." Sagot ko sabay talikod at nagtungo sa may pinto, tumingin na lang sa labas.

"Halika na doon, ngayon nga lang ulit tayo sabay-sabay na kakain bilang buong pamilya tapos hindi ka pa sasabay sa amin." Yaya ni kuya Kerby sa akin

"Kuya kasi–"

Hindi na ako naka-hindi dahil hinila na nila ako palapit sa hapag kainan, no choice ako kun'di maupo. Pagtulungan ka ba naman ng mga Kuya mo.

Napatingin ako kay Mama, nakatingin din siya sa akin at hindi manlang kumukurap.

Mga tingin niyang ganyan ay alam ko na.

Kumakain na silang lahat pero ako naka tingin lang sa plato ko.

Kumuha lang ako ng konting kanin at kukuha na sana ako ng  ulam pero–

"Konti lang ang kunin mo, niluto ko yan para lang sa mga Kuya mo,hindi ka kasama." Sabi ni Mama

Kinuha ko na lang ang pinaka maliit na gayat ng manok sa tinola, isang pirasong papaya at konting sabaw. Ito talaga yung ayaw ni Mama, makasabay ako sa pagkain lalo na kapag nandito sila Kuya.

Nakadalawang subo lang ako ng pagkain at tapos na ako, tiningnan na naman ako ni Mama , akala niya yata ay kukuha pa ako. "Don't worry 'Ma, mamaya after ng gig ko ay bibigyan kita ng pera para dito sa kinain ko." Sabi ko kaya't napatingin silang lahat sa akin.

Napakunot noo si Mama at alam kong umuusok na siya sa galit.

"Kailangan talaga sabihin mo pa dito sa harap ng mga Kuya mo?" Mahina pero pagigil na sabi ni Mama

"Bakit po 'Ma? Ayaw mo ba na malaman nila? Kailangan po ba na mabait kayo sa paningin nila, hindi ko naman po ginustong kumain kasabay niyo. Hinila nila ako e wala na akong nagawa. " Sabi ko 

"Itigil ni'yo na yan,bnasa harap tayo ng pagkain." Mahinahong sabi ni Papa

Seryoso pa rin ako, walang makikitang emosyon.

Hindi ako mahina, bakit ako iiyak? Hindi ako magpapaawa, kaya ko ang sarili ko dahil manhid na ako sa mga ganitong pakiramdam.

Hinintay ko lang na matapos silang kumain. Habang naghuhugas ako, nagtatawanan sila sa sala.

"Okay ka lang d'yan?" Tanong ni Kuya Vash na nasa likuran ko na pala.

"I'm always fine Kuya." Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Sigurado ka? Parang hindi."

"Okay lang po ako. Balik ka na po doon, hahanapin ka na naman ni Mama, ayaw niya na lumalapit kayo sa akin 'di ba?" Sabi ko

"Arah . . . ''

"Tapos na po akong maghugas Kuya, punta na po ako sa k'warto ko, may mga kailangan pa akong tapusin." Sabi ko at dumeretso na sa kwarto ko.

I'm 18 year's old  pero hanggang ngayon hindi pa rin ako matanggap ni Mama. Hindi niya pa rin ako matanggap na bunga ako ng pang-g*g*saha sa kanya sa dati niyang trabaho. Para lang hindi ako maipal*glag ni Mama noon, binabantayan daw siya ni Papa palagi kahit saan ito magpunta.  Palagi daw sinasabi ni Papa na wala naman kasalanan ang bata pero sarado daw talaga ang isip ni Mama sa mga ganoong bagay at ayaw na ayaw niyang pinag /-uusapan yun.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon