KABANATA 11
SOMEONE's POINT OF VIEW ❇
"Excited na akong umuwi." Sabi ni Vash
"Bakit Kuya? Ilang araw lang naman tayo doon tapos balik na ulit dito." Sabi ni Kerby
"Namimiss ko na sila Mama pati na s'yempre ang prinsesa natin." Sagot ni Vash
Lumingon si Kerby sa paligid at nang makita nitong wala ang Kuya Drammy nila ay nagsalita ito ng pabulong.
"Sa tingin mo Kuya, totoo yung mga sinabi ni Arah nung kumakain tayo?" Tanong nito
"Hindi ko rin alam pero may pruweba naman 'di ba? Yung pera na inabot ni Arah nung araw na galing siya sa gig, bayad sa kinain niya. Kung ano man 'yong nangyayari, alam na natin 'yon, 'wag lang mawawala ang respeto natin sa magulang natin kasi kahit ano'ng mangyari ay sila pa rin ang magulang natin." Sagot ni Vash at tinapik si Kerby sa braso.
"Ang tanong, papayagan na ba tayo ni Mama na lumapit Kay Arah? Hindi naman kami close masyado, ikaw lang ang lumalapit sa kanya kahit pinagbabawalan ka ni Mama." Sabi ni Pian kay Vash
"Kasi kapatid natin siya, ayaw kong maramdaman niya na porket hindi niya tayo kapatid sa ama ay iiwasan na natin siya." Sagot ni Vash
"Si Kuya Drammy lang naman yung ayaw talaga sa kanya ng sobra. S'yempre siya ang panganay, ayaw niyang ma-disappoint sila Mama." Sabi ni Pian
"Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" Tanong ni Drammy
"Wala Kuya, excited lang na umuwi. Nakakamiss mga luto Mama e." Sagot ni Kerby
"Dalhin na ninyo ang mga bag ninyo at kukunin ko lang yung sasakyan." Sabi ni Drammy at sumunod naman ang mga kapatid niya.
-
"Nand'yan na ang mga anak natin!" Tuwang-tuwa ang nanay nila na si Mrs. Violeta at kaagad sinalubong ng yakap ang apat na anak.
"Mama, si Papa po?" Tanong ni Pian
"Nandoon siya sa loob. Kakarating lang niya galing sa Farm natin at good news, namumulaklak na ang mga mangga natin." Sabi ni Mrs. Violeta
"Good news nga yan Mama, next na uwi namin ay makakakain na kami ng mangga galing sa taniman natin." Sagot ni Drammy at pumasok na silang Lima sa loob.
"Kape? Gusto ba ninyo ng kape mga anak?" Tanong ni Mr. Tom
"Papa, tubig na malamig na lang po." Sagot ni Vash
"Saglit, kukuha lang ako sa ref." Sagot ni Mr. Tom
"Mama, nasaan po si–"
"Vash anak, 'wag na hanapin ang wala. Bukas na hapon, pupunta tayo sa Hong Kong, buong pamilya. Excited na ako, sinurprised ako ng Papa ninyo." Sagot ni Mrs. Violeta na hindi na pinatapos magsalita ang anak.
Ngumiti na lang si Vash kahit napipilipitan.
Kailan kaya matatanggap ni Mama ang bunso namin. Isip ni Vash at napatingin sa pintuan ng kuwarto ng kapatid.
"Kain na tayo, nakakamiss itong favorite na pizza ni Mama." Sabi ni Pian
"Opss Opss, ako muna anak." Sabi ni Mrs. Violeta
"Mama naman e kinuha yung malaki." Nagtawanan sila maliban kay Vash at Drammy
"Ako na ang magtatapon nitong pinaglagyan." Sabi ni Drammy
"Nandoon na sa labas ang mga basurahan anak, matagal ng hindi dumadaan ang mga basurero e nangangamoy na kaya pinalagay ko na d'yan sa may gate." Sabi ng Mama nila.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...