KABANATA 31
GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★
Kakauwi lang namin dito sa boarding house. Ilang araw na lang at pasukan na naman namin.
"CiiGee, tumawag si Miss Lyb ulit. Pumunta na daw ako ngayon doon sa office niya para pirmahan yung mga papel. Excited na ako." Sabi ko
"Ngayon na daw ba mismo? Magbihis ka na at sasamahan kita."
"Talaga? Sige, ipapakilala din kita sa kanya. Sasabihin ko, “Miss Lyb, isa po sa mga inspiration ko sa paggawa ng tula.”"
"Luh? Jowa ko talaga e."
This is it! Sana makaipon na ako ng pera para sa mga gamot ko.
-
"Good morning po Miss Lyb." Bati ko
"Good morning, maupo kayo."
"Salamat po."
"Boyfriend mo ba itong kasama mo?" Tanong ni Miss Lyb
"Opo. Si Clefford Zarco po."
"Ikaw yung nawawalang anak ni Rose hindi ba? Naku iho, napakasuwerte mo kay Arah. She's talented and beautiful."
"Tama po kayo. Napakasuwerte ko po talaga sa girlfriend ko na 'to." Sabi ni Clefford
"Arah, heto na yung mga kailangan mong fill up-an, naayos ko na lahat yan at maybe next month, maiilabas na sa mga books store."
"Thank you po Miss Lyb, this is one of the best birthday gift ever." Sabi ko at nagsimula na mag-fill up.
"Mom, nandito na ba si Arah? Oh, Clefford, nice to see you again Bro." Sabi ni Peter at nag-apir pa sila.
"Kilala mo siya 'nak?" Tanong ni Miss Lyb
"Mom, 'di ba I told you. Kaibigan sila ni Sharfaye. Nagulat nga ako nung nakita ko si Arah noong ipinakilala ako ni Sharfaye sa mga kaibigan niya." Sagot ni Peter
"Magkuwentuhan na muna kayo nitong si Clefford at may ginagawa pa si Arah dito." Sabi ni Miss Lyb
"Okay Mom, doon lang po kami sa labas magkukwentuhan." Sagot ni Peter at inaya na si Clefford na lumabas muna sila.
"Gammy, doon muna kami." Sabi ni Clefford at hinalikan ako sa noo.
"Sige CiiGee, text na lang kita kapag tapos na ako dito." Sabi ko at ipinagpatuloy na ang pagsusulat.
"Miss Lyb, heto na po. Natapos ko na."
"Good luck Arah, I know magiging sikat ka rin na manunulat like me. Just trust yourself and trust God."
"Salamat po Miss Lyb, sobrang makakatulong po ito sa akin." Sabi ko
Habang nag-uusap kami ay may pumasok na isang Lalake at isang Babae na may katandaan na.
"Hi Lyb, how are you my dear?" Tanong ng Babae
"I'm okay Mom. Just busy this morning."
"And who's this beautiful girl? Girlfriend ba 'to ng apo ko?" Tanong nung Lalake
"No Dad. She's Arah, the amazing writer. Best friend siya ng girlfriend ni Peter." Sagot ni Miss Lyb
"Good morning po." Bati ko
"Manunulat ka rin pala like my daughter?"
"Opo Ma'am." Nakangiting sagot ko
"Puwede mo ba akong sample-lan?" Tanong ng Daddy ni Miss Lyb
"Pagbigyan mo na sila Arah, ganyan din sa akin ang mga 'yan, nagre-request palagi. Parents ko sila." Sabi ni Miss Lyb
"Okay po. Sige po, sana po lahat ng parents e katulad ninyo." Nakangiti kong sabi
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Любовные романы[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...