KABANATA 37
CLEFFORD GEE's POINT OF VIEW ❇️
"Bakit ba?" Tanong ko, kanina pa kasi ako kinukulet nitong katabi ko.
"Ang sungit mo naman Clefford Gee, makikipagkilala lang ako e." Sabi niya
"Kilala mo naman pala ako e saka nandito tayo sa meeting." Sabi ko
"E 'di after this." Sabi niya pa, hindi na ako sumagot.
"Rainne, palit nga tayo ng upuan." Bulong ko
"Ayoko Kuya, ikaw na d'yan." Sabi ng kapatid ko.
No choice ako kun'di tiisin ang babaeng ito.
"So, where is your girlfriend? Okay na ba siya? Ang arte niya kanina ha." Bulong ni Alpa sa akin
"Shut up." Sabi ko
"Mas maganda kaya ako do'n, bakit mo ba siya nagustuhan?"
"I said, SHUT UP!" Sigaw ko sa kanya.
"‘Nak, what happened?" Tanong ni Mommy
"Nothing Mommy, she's so naughty. Kung anu-ano ang tinatanong niya e hindi ako makapag-concentrate sa mga pinag-uusapan natin." Sabi ko
"Alpa.."
"Sorry po Miss Cathy."
"Okay, let's continue." Sabi ni Daddy
Nagpatuloy na kami sa pag-uusap, business partner si Miss Cathy at si Mommy Rose sa isang sikat na kainan. Si Alpa, secretary ni Miss Cathy at the same time ay nagtatrabaho din siya doon bilang taga-serve ng mga pagkain lalo na kapag mayayaman ang kumakain doon.
"Anak, hindi ka pa ba magdi-dinner kasama namin?" Tanong ni Mommy
"But, Mommy.." Sabi ko, uuwi na sana ako kasi walang kasama si Arah.
"Anak sige na, dinner with Cathy doon sa ating restaurant in town." Sabi ni Mommy
"Si-Sige po pero saglit lang, masama ang pakiramdam ni Arah, wala siyang kasama."
" Sige anak, maaga pa naman e 'tsaka kakain lang naman tayo. Uuwi din agad kasi may pasok pa bukas." Sabi ni Mommy
Nagpunta kami sa restaurant namin. Hanggang sa pagkain ba naman ay katabi ko pa rin ang babaeng ito.
"Ano'ng favorite mong foods?" Tanong niya
"Marami." Sagot ko pero hindi tumingin sa kanya.
"Marunong ako magluto, gusto mo ipagluto kita?" Tanong niya na dikit na dikit sa akin.
"Hindi na, marunong din naman ako." Sabi ko
"P'wede namang itry mo ako este– yung luto ko, hihihi! "
"Puwede bang kumain na lang tayo?" Sabi ko
"Owkeyyyy." Sagot niya at nakatingin pa din sa akin, naiilang tuloy akong kumain.
Nagkukuwentuhan sila mommy habang kumakain at siyempre about sa business. Itong katabi ko naman kung anu-ano ang ginagawa habang kumakain, hawak hawak niya ang cellphone niya at picture ng picture.
Pagkatapos naming kumain ay nag-picture kami, dikit na dikit sa akin si Alpa. Ewan ko ba sa babaeng ito, papansin masyado.
"Mommy, uuwi na po ako. Mauuna na po ako sa inyo." Paalam ko
"Saan ka sasakay anak?" Tanong ni Mommy
"Commute na lang po ako, baka kung ano na ang nangyari kay Arah, kanina pa pala siya tumatawag tapos ang dami na niyang text kaso hindi ko nasagot kasi nagme-meeting tayo kanina tapos nung kumain tayo hindi ko manlang nasilip yung cellphone ko." Sabi ko
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Lãng mạn[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...