KABANATA 16

1.4K 13 0
                                    

KABANATA 16

SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Kumusta po siya Doc? Pangalawang beses na po itong nangyari. Bakit hindi niya ako kilala? Yung sakit niya po?" Tanong ni Clefford sa Doctor

"Nangyayari talaga 'yon iho, pero 'wag kang mag-alala masyado. Natural lang ang nangyayari sa kanya pero hindi malala, hindi lalala kung iinom siya ng gamot sa tamang oras at check up. Hindi ito ang huling araw na makakalimot siya, mauulit pa pero alam kong nand'yan ka para gabayan ang girlfriend mo. 'Wag mo siyang pababayaan." Sabi ng Doctor

Nakahinga ng maluwag si Clefford kahit may kaba pa din. "P'wede ni'yo po bang ibigay sa akin ang record, 'yong kung anong oras siya iinom ng gamot at kung kailan ang check up niya para ako na po palagi ang magpapa-alala sa kanya." Sabi ni Clefford

"Sige iho, p'wede mo na siyang puntahan. Nandoon siya sa loob ng kwarto." Sabi ng Doctor, mabilis siyang pumasok sa kuwartong itinuro ng Doctor.

"Gammy.." Tawag ni Clefford sabay katok sa pinto, dahan-dahan siyang pumasok, nakatingin kay Clefford si Arah tulala at pilit siyang kinikilala.

"CiiGee!" Patakbong lumapit si Arah kay Clefford at agad na yumakap.

"Dinala mo ba ako dito? Bakit? May nangyari ba?" Tanong ni Arah habang umiiyak.

"Psshhh, 'wag ka na umiyak Gammy, ang mahalaga ay nakikilala mo na ako ulit. Mahal na mahal kita Arah, palagi ko iyong ipapaalala sa iyo." Sabi ni Clefford bago niyakap ulit si Arah.

"Nandito na po ang papel, nakasulat dito lahat." Sabi ng Doctor at inabot yun kay Clefford.

"Salamat po." Sabi ni Clefford

"Magpagaling ka iha, malayo pa ang mararating mo. Ingatan mo ang sarili mo ha." Sabi ng doctor kay Arah.

"Opo. Maraming salamat po." Sabi ni Arah, "Uwi na tayo CiiGee, ayoko na dito, ayoko na sa hospital." Sabi pa ni Arah

"Halika na, uwi na tayo para makapagpahinga ka tapos ipagluluto kita para makainom ka na ulit ng gamot." Sabi ni Clefford

"Thank you CiiGee, thank you so much. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka, paano kapag nalaman nila? Lahat ng mga kaibigan ko ay may kanya-kanyang pamilya, hindi naman nila ako maiintindi, hindi nila ako priority. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kapag inatake ako ng Alzheimer's Disease ko. Salamat talaga CiiGee, I love you so much Jowa ko, I love you. " Sabi ni Arah na umiiyak habang nakayakap kay Clefford.

"Huwag mong isipin na nag-iisa ka Gammy, nandito lang ako palagi sa tabi mo. Mahal na mahal na mahal kita." Sagot ni Clefford bago sila lumabas ng hospital.

"Nasa Gymnasium ba tayo kanina?" Tanong ni Arah habang nakasakay sila sa jeep pauwi sa boarding house.

"Oo Gammy, mabuti na lang at hindi ka nakita nila Melody, tinanong ka nila kung nasaan ka na, ang sabi ko na lang ay sumakit ang tiyan mo." Sabi ni Clefford

"Ayaw ko talagang malaman nila, mas mabuti pang alam na lang nila ay ang allergy ko at ang sakit ko sa puso. Ayaw kong mag-alala sila baka marami na silang iniisip e ayaw ko namang dumagdag pa ako."

"Ang mahalaga Gammy ay lumalaban ka at nagpapakatatag ka."

"Yun nga CiiGee e kinakaya ko naman, matagal na. Huwag lang sigurong dumating sa point na sumuko ako. Baka hindi ko na kayanin." Sabi ni Arah

"Think positive Gammy, manalig lang tayo kay God. Hindi ka niya pababayaan. Gagaling ang Alzheimers mo, makakahanap tayo ng heart donor at 'wag ka lang magpapa-ulan. Okay?" Sabi ni Clefford at nag-thumbs up.

Ngumiti si Arah at nag-thumbs up din.

Dumaan muna sa palengke ang dalawa bago umuw, bumili sila ng lulutuin para sa hapunan.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon