KABANATA 19
SOMEONE'S POINT OF VIEW ❇️
"Bakit ka natahimik Kuya Vash?" Tanong ni Kerby
"Sino ba yung nagtext Kuya at naging ganyan ang reaction mo pagkatapos mong basahin yan?" Tanong din ni Pian
Bago pa sumagot si Vash ay napatingin din sila sa cellphone ang tatlo dahil may nagtext din sa mga ito.
"I love you ?" Tanong ni kerby
"Sino kaya 'to? I love you din ba ang sabi sa "yo?" Tanong ni Pian
"Patingin nga ng number, pare-pareho ba?" Tanong ni Drammy
"Yan din ang nagtext sa akin pero mas mahaba 'to." Sabi ni Vash
''Basahin mo nga Kuya, lakasan mo ha." Sabi ni Kerby kay Vash
"Advance happy birthday Kuya, mag-iingat kayo palagi kung saan man kayo magpunta. Okay lang po ako basta tandaan niyo na mahal na .ahal ko kayo." Sabi ni Vash
"Si Arah?!" Sabay-sabay nilang sambit
Umupo sa tabi ni Vash si Drammy at tinapik sa braso si Vash. "Magpapasko na nga pala, birthday mo na." Sabi ni Drammy
"Oo nga Kuya, sana makita ko si Arah. Miss na miss ko na yun si bunso, dati excited ako umuwi para makita siya at sama-sama tayo pero ngayon nabawasan na ang excitement ko." Sagot ni Vash
"Tawagan mo nga Kuya." Sabi ni Pian
''Kanina ko pa tinawagan pero out of coverage na. Pagkatext niya siguro sa atin e ay tinanggal na niya ang sim card na ginamit niya." Sabi ni Vash
" Kuya Drammy.. Bakit ba galit ka kay Arah? 'Di ba wala naman siyang kasalanan sa nangyari, katulad ka din ba ni Mama, sarado din ang isip mo sa pagpapatawad lalo na pagdating kay Bunso?" Tanong ni Kerby
"Hindi naman sa ganoon Kerby, noong una ay galit talaga ako dahil sa nangyari kay Mama pero habang lumalaki kayo, tumatanda din ako at nagka-isip ng matino, naisip ko na 'yan at syempre naawa din ako kay Arah, pero may nagawa akong kasalanan kay Arah e, kapag nalaman niya yun siguradong hindi niya ako mapapatawad." Sagot ni Drammy
"Kasalanan? Ano yun?" Tanong ni Pian
Umiling-iling si Drammy. "Hindi ko p'wedeng sabihin, hindi pa ngayon." Sagot ni Drammy kaya lalong naguluhan ang mga kapatid niya.
MELODY's POINT OF VIEW ❇️
Paalis na ako ng bahay, nasa work na sila Mommy dahil maaga silang umalis.
"Yaya inday, aalis na po ako." Paalam ko sa katulong namin para i-lock niya ang gate.
"Sige po Ma'am, mag-iingat po kayo."
"‘Wag po kayong magpapapasok ng hindi natin kilala ha, kumain na din po muna kayo bago niyo ipagpatuloy ang paglalaba." Sabi ko pa
"Opo. Salamat po."
"Babe!" Tawag ni Chordie sa akin paglabas ko ng gate.
"Good morning Babe." Bati ko at nagbeso sa kanya, ipinagbukas niya ako ng pinto at sumakay na ako sa kotse niya.
"Good morning my beautiful lady." Sabi niya at inabot sa akin ang isang pirasong red roses. Tuwing umaga ay binibigyan niya ako ng bulaklak.
"Thank you." Sabi ko at ngumiti.
Three years na kami ni Chordie, first year college pa lang ay kami na, hindi ko nga akalaing magiging kami e classmate na kami simula pa first year highschool at sa araw araw na ginawa ng Diyos ay binubully niya ako, maya't maya ay inaasar niya ako. “Kulot S*lot” 'yan palagi ang pang-asar sa akin. Hindi naman ako sobrang kulot e curly lang ng konti pero ako lang kasi ang kulot sa aming magkaka-klase e, lahat sila ay straight ang buhok. Palagi man kaming magka-away na parang aso at pusa pero kami pa rin pala ang magkakagustuhan. Naniniwala na talaga ako sa kasabihang, “The more you hate, the more you love!”
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...