KABANATA 14
GYTE ARAH's POINT OF VIEW ❇
Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nangyari sa hospital noon. Bakit gano'n? Hindi ko maintindihan.
Bakit niya ba ako tinawag na anak? Siya ba ang tatay ko o gusto niya lang ako maging anak at ako ang mag-alaga kay Ate Carol ngayong wala na siya.
Pero bakit ako umiiyak, bakit iba ang pakiramdam ko? Siya nga kaya yung totoong tatay ko? kailangan kong malaman ang buong kwento.
Nandito kami ngayon sa sementeryo, ngayon na ihahatid sa kanyang huling hantungan ang asawa ni Ate Carol. Umiiyak pa rin si ate Carol hanggang ngayon.
Kami na lang ang tao dito, kaming tatlo. Umalis na ang mga tao pati na rin ang mga kaibigan kong nakipaglibing.
"Uwi na po tayo ate Carol." Yaya ni Clefford
Pilit lang siyang ngumiti sa amin at niyakap ako, "Hindi na muna ako magluluto ha, sa iba na lang muna kayo kumain. Hindi ko pa kaya, kapag magbubukas na ako ulit ng karinderya ay sasabihan ko na lang kayo." Sabi niya
"Sige po Ate Carol, wala pong problema. Kami na lang po ang magluluto ng kakainin namin, hindi na po kami bibili." Sabi ni Clefford
"May . . . may pasok ba kayo bukas?" Tanong pa niya at umiling lang ako.
"Puwede bang sa bahay muna kayo? Gusto kitang maka-usap Arah, mamaya."
Tumingin lang ako kay Clefford, ngumiti siya kaya um-oo ako. Sumakay na kami ng jeep pabalik sa bahay nila Ate Carol.
Tahimik lang kami at napansin kong umiiyak na naman siya.
Mahirap siguro mawalan ng mahal sa buhay pero bakit sila Mama? Okay lang sa kanila na wala ako, hindi manlang nila ako hinanap.
Ay oo nga pala, hindi naman nila ako mahal. :<
"Maupo muna kayo d'yan sa sofa, pasensya na kung ganito ang itsura ng bahay namin. Naibenta kasi namin ang ibang gamit para sa gamot ni Gary, naghirap na kami." Sabi pa ni Ate Carol, "Nagugutom ba kayo? P'wede ko kayong ipagluto."
"Ate Carol, ako na lang po ang magluluto, p'wede na po kayong mag-usap ni Arah." Sabi ni Clefford
Tumingin si Ate Carol sa akin bago tumingin din kay Clefford. "Sige iho, ituturo ko na lang sa 'yo ang mga gamit at lulutuin mo kung saan nakalagay, okay lang ba talaga na ikaw ang magluto?"
"Opo. Gusto ko pong malaman na ni Arah lahat para wala na pong mga tanong na gumugulo sa kanya." Sagot ni Clefford atsaka ngumiti.
"Salamat iho."
"Wala pong anuman. Magluluto na po ako, puntahan mo na po si Arah."
Nakaupo pa rin ako sa sofa, may mga gumugulo sa utak ko, marami at kailangan ko ng sagot.
"Arah.." Tawag sa akin ni Ate Carol, ngumiti ako sa kanya kasabay ng pagluha ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Niyakap niya ako, "Handa na po akong makinig at malaman ang lahat." Sabi ko
Umupo siya sa tabi ko at humarap ako sa kanya. "Hindi ko alam kung paano ko sisimulan." Sabi niya
"Ate Carol, 'yong asawa po ninyo, si Mang Gary, siya po ba ang . . . ang . . . ang totoong T-Tatay ko?" Tanong ko
"O-Oo Arah, siya nga. Sorry iha.."
"Bakit hindi po ninyo sinabi agad sa akin? Alam ko naman po na hindi ako anak ni Papa Tom, kaya nga po ayaw nila sa akin 'di ba? " Tanong ko at tuluyan na namang kumawala ang luha ko.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Любовные романы[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...