KABANATA 9
CLEFFORD GEE'S POINT OF VIEW ❇
Nandito kami ngayon sa Police station, hindi pa nagsasalita si Arah at Rainne, puro putik ang damit nila at may mga sugat.
"Ano'ng nangyari Miss, puwede ba ninyong ikuwento sa amin?" Tanong ng Pulis
"Kakatapos lang po ng klase namin tapos pumunta ako sa may tindahan sa labas ng University and then may van na tumigil tapos hinawakan ako sa magkabilang kamay at pilit pinapasok sa loob ng van." Kuwento ni Rainne
"Hinanap ko po siya dahil gagawa kami ng project at itinuro ng Guard sa akin na doon nga daw si Rainne nagpunta, pagdating ko doon ay bigla akong tinutukan ng baril ng lalaki, pinasakay kami sa van, dahil dalawa kami ay double daw ang bayad, ang ransom na makukuha nila. Biktima si Rainne ng mga lalaking nagpapautang tapos kapag hindi nakapagbayad, kikidnapin. Double ang pera na makukuha nila kapag nakapagbayad na ang pamilya ng kinidnap." Sabi ni Arah, napatingin sa kanya si Rainne.
May kinuha si Arah sa bag niya at inabot sa Police. "‘Yan po ang mukha ng limang lalaking kumidnap sa amin, dinala po kami sa isang lumang bahay sa gitna ng gubat." Sabi pa ni Arah
"Ikaw ang gumuhit nito? Paano kayo nakatakas?" Tanong pa ng Pulis
"Siya po ang nag-drawing habang nakakulong kami sa isang kwarto, binuksan namin ang pinto gamit ang hairpin tapos may nakita kaming bintana, naka-lock po iyon kaya sinubukan pong suntukin ni Arah ng dalawang beses ang dingding kaya nabutas iyon, nakalabas kami at nakatakas pero nahabol kami ng isa. Sinuntok lang po siya ni Arah kaya kami nakatakbo ulit." Kuwento pa Rainne
"Ah Mamang Pulis, nagbo-boxing po kasi itong si Arah. P'wede na ba silang umuwi? Tingnan ninyo naman itong itsura ng mga bata, pagod sila at gutom, baka naman p'wedeng sunod na araw na ninyo sila tanungin at isa pa gabi na at may pasok pa sila bukas." Sabi ni Aleng Tess
"Okay po Ma'am. Nasabi na naman nila ang lahat ng nangyari, p'wede na po kayong umuwi." Sabi ng Pulis
"Kanina ka pa hinahanap ng Tita mo, akala niya kung saan ka na naman nagpunta." Sabi ni Monica kay Rainne
"Ako na lang ang magpapaliwanag sa kanya." Sagot ni Rainne, "By the way Monica, mag-sorry ka Kay Arah." Sabi pa ni Rainne
"Ha? Bakit?" Tanong ni Monica
"Sa mga ginawa natin sa kanya." Sabi ni Rainne
"Hindi niya kailangang mag-sorry Rainne." Si Arah ang sumagot.
"What do you mean, Arah?" Tanong ni Rainne
"Si Monica, isa siyang artist sa mga play kaya magaling siya umarte, nagpatulong si Dean sa akin na pabaitin kita katulad ng ginawa ko sa mga mean girls dati, para matauhan ka kasi sa totoo lang, yung lalaking nambiktima sa 'yo na nagpapautang tapos kikidnapin kapag hindi nakapagbayad, kapag nakuha na nila ang ransom money, pags*samant*lah*n na nila ang babae at minsan ay pinapatay pa, pasalamat nga tayo dahil nakatakas tayo kanina." Sabi ni Arah, niyakap siya bigla ni Rainne.
"Salamat Ara." Sabi nito, bumait na yata siya? Kaya pala nagtataka ako sa ikinilos ni Monica noong nakaraan.
FLASHBACK ••
Makulimlim at mukhang uulan, nagsimula na nga'ng pumatak.
"Chordie! Chordie!!" Tawag ni Monica na hingal na hingal.
"Monica, bakit?" Tanong ni Chordie, close sila? Bakit sila nag-uusap? Akala ko ba kaaway ni Melody si Monica.
"Si Rainne, sinasabunutan si Arah. Umuulan na, kanina pa siya bumabahing. Hindi ko siya maawat dahil masisira ang plano." Sabi ni Monica
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romantik[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...