KABANATA 18
CLEFFORD GEE's POINT OF VIEW ★
Nakatingin lang ako sa lalakeng kausap ni Arah, iba ang tingin niya kay Gammy ah, parang may something.
"Salamat sa pag-appreciate ng poems ko." Sabi ni Arah pero hindi siya ngumiti.
"I like yo–" Sabi ng lalake pero nagsalita ako agad.
"Salamat p're, ang galing ng girlfriend ko 'no?" Sabi ko
"Yeah. I like your poems so much Miss, keep it up." Sabi pa nung Khalil kay Arah
"Thank you." Sabi ulit ni Arah at umakbay sa akin, ramdam niya yata na medyo nagseselos ako.
"Salamat po dito sa pagpapahiram ng pansindi, nakalimutan kasi namin magdala. Salamat p're, thank you po." Sabi pa ng lalake at nagpunta na sa matandang kasama niya at isang babae.
"Ciigee, ano'ng dadalhin natin doon kila Tita Valerie?" Tanong niya, hindi ako agad nakasagot kasi nakatingin pa din ako sa lalake, sumusulyap pa rin kasi kay Arah.
"Ha Ano'ng sabi mo Gammy?" Tanong ko ulit
"CiiGee talaga e bakit mo ba tinitingnan yun?" Tanong niya
"Wala naman Gammy, mukhang hindi niya maiwasang tumingin sa 'yo e."
"Sus! Selos ka 'no?"
"Ako?.. Medyo." Sagot ko
"Nay Carol, nagseselos daw po si Clefford." Sabi niya
"H'wag ka na magselos iho, mas guwapo ka dun." Sabi ni Tita Carol at nagtawanan kami.
Inihatid lang namin si Tita Carol sa bahay nila pagkatapos ay bumili kami ng pizza para dalhin doon kila Melody.
Nagbike lang kami papunta sa bahay nina Melody, kapag nagsakay pa kasi kami e sayang pa ang pamasahe, puwede namang magbike na lang, hindi p'wedeng maglakad, medyo malayo daw yun e ayaw ko namang mapagod ang prinsesa ko.
"Wait lang CiiGee, tigil tayo sa tapat ng tindahan, bibili lang ako ng sim card, may itetext ako, malapit na ang Christmas e." Sabi niya
"Sige pero sino naman ang itetext mo?" Tanong ko
"Sila Kuya. Hindi na lang ako magpapakilala pero sisiguraduhin kong malalaman nila na ako yun. Birthday ni Kuya Vash ng December 25 e."
Bumili nga kami ng bagong sim card, pag-uwi na lang daw namin itetext ang mga Kuya niya.
"Gammy, try kaya ulit nating tawagan yung number na binigay ni Sister Fe." Sabi ko
"Sige. Mamaya na lang din, baka nasa work pa yun baka mamaya makausap mo na pag-uwi nila galing work." Sagot niya
Pagtapat namin sa gate ng malaking bahay ay, "Arah!" Tawag ni Melody na nakatambay sa terrace ng bahay nila. Kumaway naman si Gammy sa kanya, nandoon din si Chordie sa tabi ni Melody.
"Pasok kayo." Sabi ng isang lalake, mukhang Daddy siya ni Melody.
"Good afternoon po Tito." Sabi ni Arah
"Good afternoon po." Bati ko din
"Arah, namiss kita ng sobra iha." Sabi ng isang babae at agad sinalubong ng yakap si Arah.
"I miss you too Tita Valerie. Kumusta po kayo? Pasensya na po at ngayon lang ako nakapunta dito ulit." Sabi ni Arah
"Mabuti naman iha, busy sa work. Ikaw? Kumusta ka? Umiinom ka ba ng gamot sa tamang oras? Baka hindi ha saka check up na din. Namiss talaga kita." Sabi pa ng Mommy ni Melody
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...