KABANATA 2
GYTE ARAH'S POINT OF VIEW ❇
Lunes ng umaga, dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng k'warto ko. Naka-uniform na ako at handa na ulit pumasok sa school.
"Oh Arah, papasok ka na? Ang aga naman yata." Tanong ni Kuya Pian, gising na pala sila.
"Opo. Maaga po ang pasok ko." Sagot ko
"Bunso, good morning." Bati ni kuya Vash
"Good morning. Good morning . . . mga Kuya, papasok na po ako." Sabi ko
"Ano'ng good sa morning? Ang ingay-ingay mo d'yan!" Sigaw ni Mama, napailing na lang ako.
"Mauuna na po ako. Kumain na po kayo , nagluto na po ako kanina. Don't worry 'Ma hindi naman po ako kumain e nagluto lang po ako." Sabi ko at lumabas na ng bahay, ramdam kong sinundan ako ng tingin ni Kuya Drammy pero hindi ko na lang pinansin.
"Kuya, sa DEL MUNDO UNIVERSITY po." Sabi ko sa tricycle driver, doon kasi ako nag-aaral.
DEL MUNDO UNIVERSITY ang pangalan ng school namin, kinuha raw ang pangalan nito kay Dr. Fe del Mundo, the pioneer of Pediatric Medicine in the Philippines and pride of Marinduque. She was first Filipino and woman that was admitted into Harvard Medical School under the scholarship grant by President Manuel L. Quezon. She was one of the founders for the establishment of " Philippine Children's Medical Center " in 1957 located along Quezon Avenue.
Dr. Fe del Mundo was also known for having devised an incubator made out of bamboo , designed for use in rural communities without electrical power."Miss, Miss! Nandito na tayo." Sabi ng tricycle driver sa akin, nandito na pala kami sa tapat ng gate.
"Ay eto po ang bayad, pasensya na po may iniisip lang." Sabi ko, saktong baba ko ng tricycle ay saktong dating din ni Melody, hinatid siya ng Daddy niya.
"Arah!" Tawag niya sa akin kaya hinintay ko siya.
"May chika ako sa 'yo." Sabi pa nito
"Ang aga n'yan ha." Sabi ni Sharfaye na kakapasok lang din ng gate.
"May bagong classmate na naman daw this semester." Sabi ni Melody
"Again? Classmate ninyo?" Tanong ni Sharfaye
"Oo, Educ. din." Sagot ni Melody
"Si Xylou nga pala?" Tanong ko
"Mamayang 8:00 pa ang pasok nun Arah, may gagawin daw sila e mamamalengke yata. Alam mo naman, mga HRM." sagot ni Sharfaye
"Nakakamiss yung mga cupcakes hahahaha!" Sabi ni Melody
"Gutom ka na naman sis, mauna na ako sa inyo, baka malate na ako." Paalam ni Sharfaye, nurse kasi siya. Kami ni Melody ang magkaklase sa Educ. pero nagkikita naman kami sa loob ng campus.
"Sino naman ang nagsabi sa'yo na may bago ? " Tanong ko
"Sa page ng school, naka post doon e."
"Babae o Lalake?" Tanong ko
"Both." Sagot niya
"Yaan mo na, halika na."
"Bakit ganyan yung mata mo? Mugto." Tanong ni Melody
"Kasi . . Hmm kinagat 'to ng ipis." Palusot ko, sumunod na lang siya sa akin papasok ng room namin.
"Hi babe."
"Arah, dito lang muna ako kay Chordie." Medyo pabebe ang boses na sabi ni Melody
"Lunes na lunes e naglalandian,;aga n'yan ha parang 'di naman kayo nag usap kagabi." Sabi ko
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Storie d'amore[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...