KABANATA 43
GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★
Nandito pa din kami sa Nest in the sky, tapos na ang event at kumakain na kami.
"We are so happy for you Arah, grabi engaged ka na." Sabi ni Melody
"Soon to be Mrs. Zarco ka na este Mrs. Calves pala." Sabi ni Xylou
"Thank you. Kaya pala ayaw ninyong ipakita sa akin yung laman ng paper bag e." Sabi ko
"Oo, s'yempre. Masisira ang plano." Sabi ni Sharfaye
"So 'tol, kailan ang kasal?" Tanong ni Chordie
"Siyempre kapag natapos na kami mag-aral at nakapagtrabaho na." Sabi ni Clefford
Kumain na kami at nagkuwentuhan na naman ng kung anu-ano.
Hinatid na din ako ni Clefford sa bahay. Alam pala ni 'Nay Carol ang plano niya.
"Jowa ko na fiancee ko na, uuwi na ako. See you tomorrow, church tayo bukas. I love you." Sabi niya sa akin at niyakap ako.
"I love you too Jowa ko. Thank you for making me happy this day. Alam kong yung nalaman mo ang isa sa dahilan kung bakit mo ginawa ito at alam ko namang mahal na mahal mo ako. Ingat pauwi ha, ikamusta mo na lang ako kina Tita at Tito pati na din kay Ate Rica. "
"Oo Gammy, bye. I love you." Sabi pa niya at hinalikan niya ako ng mabilis sa labi ko.
"Mukhang masayang masaya ang anak ko ah."
"Opo 'Nay, hindi ko po yun in-expect. Sobrang saya po ng puso ko ngayon." Sabi ko habang umiinom ng gamot.
"Masaya ako para sa inyo anak, alam ko namang matured na kayo at alam ninyo na ang tama mali."
"Opo naman 'Nay, engaged na nga po kami pero s'yempre may mga pangarap pa kami sa buhay na sabay naming tutuparin."
"Lagi mong tandaan Arah na proud na proud ako sa 'yo. Masaya ako na ikaw ay naging anak ko kahit hindi ka galing sa akin."
"Salamat po Nay Carol."
"Siya nga pala, may dumating na package dito kani-kanina lang bago kayo dumating. Nakapangalan sa 'yo, malaking kahon." Sabi ni 'Nay Carol
"Po? Kanino daw po galing? Malaki po ang kahon, ano kaya ang laman niyan?" Tanong ko
"Buksan mo na ng malaman natin." Sabi ni 'Nay Carol
Nilapitan ko ang malaking box na nasa sala. "'Nay, kanino po ba ito galing? Baka mamaya may laman 'tong ahas o kaya ay bomba."
"Buksan mo na muna para malaman natin, sino naman ang magpapadala sa 'yo ng ahas at bomba e wala ka namang kaaway." Sabi ni 'Nay Carol, sabagay may point siya kaya sinimulan ko ng buksan.
Nanlaki ang mga mata ko ng tumambad sa akin ang laman ng malaking kahon, isang gitara na may naka-ukit ng tunay kong pangalan, napangiti ako ng malaki.
Kanino kayo ito galing?
Kinuha ko agad at ti-nry gamitin.
Ang ganda, ang cool.
"Pinagawa ko yan para sa 'yo, nagustuhan mo ba anak?"
Napatigil ako sa pagtugtog ng marinig ko ang boses na yun buhat sa likuran ko, lumingon ako.
"Pa?!"
"Arah, anak."
"Ano po'ng ginagawa ni'yo dito Papa? Alam po ba ni Mama na nandito kayo?" Tanong ko kay Papa Tom
"Hindi niya alam. Nandito ako para ibigay iyan sa 'yo. Ako ang gumawa ng design niyan tapos pinagawa ko ang gitara. Ako ang nagbigay sa 'yo ng pangalan na Gyte Arah kaya iyan ang regalo ko sa 'yo. S'yempre, ikaw ang prinsesa namin." Naiyak ako sa sinabi Papa, lumingon ako kay 'Nay Carol, nakangiti siya at pumasok na muna sa kusina.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...