KABANATA 17

1.3K 14 0
                                    

KABANATA 17

GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★

"Good morning sa pinakamamahal kong babae, one month na tayo agad. I love you!"

Napabangon ako ng marinig ang boses na ni Clefford. Inabot niya sa akin ang isang bouquet ng bulaklak.

"Aw. Thank you Ciigee, I love you too." Sabi ko at niyakap siya, "Oops sorry, hindi pa ako nagmumumog e."

"Okay lang 'yon Gammy, hindi ka naman amoy laway e." Sabi niya at nagtawanan kami.

Habang nagtatawanan kami ay may naalala ako at bigla akong napa-seryoso at nalungkot.

"Gammy, bakit?" Tanong niya

"Isang buwan na tayo, isang buwan na ring wala si Tatay." Sagot ko at napatungo.

"Gusto mo puntahan natin siya mamaya pagkatapos ng klase natin?" Tanong niya

"Oo. Puntahan natin siya, siguro papunta din si Ate Carol doon." Sabi ko

"Sige. Maligo ka na at hihintayin kita doon sa may gate, sa school na lang tayo kumain." Sabi niya

Mabilis akong naligo at naghanda ng mga gamit ko papunta sa school, paglabas ko ay naghihintay na si Clefford sa may gate.

"Arah iha, may naghahanap sa 'yo kahapon, babae na medyo may edad na konti." Sabi  sa akin ng babaeng nakatira din dito sa boarding house.

"Po? Sino daw po 'yon at bakit niya daw po ako hinahanap?" Tanong ko

"Carol daw, may sasabihin daw sa iyo e pero wala ka naman kahapong umaga kaya sabi ko ay sasabihin ko na lang sa 'yo pagbalik mo."

"Ah sige po. Salamat ate." Sabi ko at naglakad na papunta sa may gate.

"Ano daw 'yon?" Tanong ni Clefford

"Hinahanap daw ako ni Ate Carol kahapon, puntahan na lang natin siya mamaya, baka sasabihin niya yung about kay Tatay, siguro ang alam niya ay nakalimutan ko.''

"Sige, akala ko naman e kung sino na ang naghahanap sayo. Akala ko ay ang mga Kuya mo na. "

"Akala ko nga din e pero nasa misyon 'yon kaya 'di sila 'yon."

Medyo late na kami pumasok, ganoon talaga kapag malapit sa eskwelahan ang bahay, pero wala pa namang Professor noong dumating kami.

"Arah, mamayang hapon. Punta ka sa bahay, hinihintay ka ni Mommy." Sabi ni Melody

"Sige ba, pero hapon na ha, may lakad kami after class." Sagot ko

"Na naman? Saan? " Tanong ni Melody ulit

"Date. 'di, sa sementeryo." Mahinang sambit ko

"Bakit?"

"Later na, kuwento ko sa 'yo kapag break time. Nand'yan na si Sir e." Sabi ko

"Okay.. Aasahan kong ikukuwento mo, dami mo nang tinatago na kayong dalawa lang ni Clefford ang nakakaalam." Parang naguguluhang niyang sabi, ngumiti lang ako at nakinig na sa Prof. naming nagtuturo.

"Arah at Melody, good job last week. Marami ang nagkagusto sa eskwelahan natin, next School year ay dito na daw sila mag-aaral at 'yong mga Parents naman na nagpunta, dito daw nila ee-enroll ang mga anak nila. Na-convince ninyo sila lalo na sa magandang boses mo Miss Musico, tamang-tama talaga ang pangalan at apelyedo mo sa 'yo, nakakahalina at parang nakakaakit ang boses mo kaya salamat sa 'yo."

"Salamat din po." Sagot ko

Nagpatuloy na kami sa pag-aaral habang nagtuturo si Prof. sa unahan. Dalawang subject lang at ngayon ay breaktime na.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon