KABANATA 30

1.2K 16 1
                                    

KABANATA 30

GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★

Nineteen years old na pala ako.

Ang daming handa nina Tita Rose, parang fiesta. Ganito din naman sa bahay tuwing January two pero kapag dinadalahan lang ako ni Yaya noon nakakakain, hanggang sulyap lang ako noon sa mga handa nila Mama.

"Happy birthday Arah, cheap ng regalo ko pero alam kong magugustuhan mo 'to." Sabi ni Rainne at inabot sa akin ang isang paper bag. Binuksan ko at agad ko siyang niyakap ng makita ko kung ano ang laman. Maraming ballpen, iba't iba ang kulay.

"Hilig mo kasi ang magsulat kaya 'yan ang naisip ko." Sabi pa ni Rainne.

"Thank you Rainne. Thank you po Tita, sa sunod na lang po yung regalo ko." Sabi ko

"Okay lang yun Arah. Hindi naman importante yung mga regalo, mas importante ay yung mga gamot mo. Masaya ka ba ngayon?"

"Sobra po. Salamat po. First ko po kasing mag-celebrate ng birthday." Sabi ko

"Walang anuman 'yon Arah, family mo na rin kami ngayon.  Sabi pa ni Tita at niyakap pa ako.

Umupo ako sa sofa at pinagmasdan silang pamilya, ang saya nila tingnan, kahit yung mga kasambahay nila at guard nakikisaya din, family na rin ang turing nila.

"Happy birthday Gammy, may gift ako sa 'yo." Sabi ni Clefford na tumabi sa akin sa sofa.

"Regalo? Ikaw lang okay na." Sabi ko

"Alam ko naman 'yon pero mayro'n nga, nandoon sa guest room. Doon ka matutulog mamaya e kaya doon ko na lang pinalagay." Sabi pa niya

"CiiGee, puwede ko na ba malaman kung ano yung regalo mo?" Tanong ko

"Surprised na lang Gammy pero, bibigyan kita ng clue."

"Clue? Sige nga. Ano?"

"Sa tuwing tumitingin ka sa langit, nakikita mo siya. "

"Huh? Ano yun? Buwan HAHAHA! imposible."

"Isa pa, mayro'n ka nito sa katawan." Sabi niya pa, napahawak ako sa necklace ko.

"Star?" Umiling siya

Tumingin ako sa braso ko, wala naman akong bracelet. Napadako ang tingin ko sa bàlat ko, napangiti ako.

"Ngiti ka d'yan?"

"Alam ko na." Sabi ko

"Talaga? Bibigyan pa sana kita ng isa pang clue."

"Anong clue? Nasa pangalan ko 'no?" Tanong ko, ngumiti lang si Clefford.

Ngumiti ako. "Alam ko na CiiGee. Gitara?" Tumango siya at niyakap ako.

"Happy birthday Gammy, I love you!"

"Salamat Ciigee, i love you more."

Pinuntahan namin ang regalo niya sa akin sa guest room.

"Oh my God." Bulalas ko, gitara nga na instrument pero akala ko kasi ay mga bagay lang na may gitara pero hindi, gitara mismo. Kinuha niya at inabot niya sa akin, kulay blue at ang ganda.

"Para sa 'yo 'yan, gagamitin mo sa gig mo para parang kasama mo na rin ako sa stage kapag nagpe-perform ka."

Hindi ako nakapagsalita agad. Niyakap ko na lang siya. "Thank you so much CiiGee."

Bumaba na kami at sa sala nagtungo, dala dala ko ang Gitara na regalo ni Clefford.

"Wow! Galing kay Kuya? 'Yan siguro yung binili mo nung pasko 'no?" Tanong ni Rainne kay Clefford

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon