KABANATA 3
CLEFFORD GEE's POINT OF VIEW ❇
DEL MUNDO UNIVERSITY, first day ko sa University na ito.
Mahirap talaga kapag walang pera, kailangan mo pang magtrabaho para makapag aral ulit, mabuti na lang at may scholarship.I'm CLEFFORD GEE ZARCO, twenty years old at isa akong carwash boy, janitor sa isang grocery store at minsan nag-iipon din ako ng mga bote para ibenta sa junk shop. Mahirap kumita ng pera, iniwan daw ako ng mga magulang ko sa ampunan, tumakas ako sa orphanage noong bata pa ako dahil wala namang nag-aampon sa akin, nagiging palamunin lang ako doon.
"Ate Tess, magandang umaga po." Bati ko sa may-ari ng boarding house na inuupahan ko.
"Ano'ng maganda sa umaga? Lunes na lunes e an'ong kailangan mo?" Tanong niya sa akin, nagsusungit na naman.
"Mayroon pong maganda sa umaga, ikaw at ito." Sabi ko sabay abot ng bayad ko ngayong buwan at sa susunod.
"Maganda nga at nakabayad ka na. Papasok ka??" Tanong niya sa akin
"Opo. Pasensya na po kasi ngayon lang nakabayad ng upa. Pinag-ipunan ko pa po e pero hayaan ni'yo po sa susunod ay sakto sa araw na ako magbabayad." Sabi ko
"Oh s'ya sige na, pumasok ka na at baka malate ka pa. Good luck, sana makatapos ka at magkaroon ng magandang buhay. Malay mo balang araw makita mo ang mga magulang mo, malas nila at iniwan ka nila sa ampunan. Napakabait at napakasipag na bata." Sabi ni Aleng Tess
Naglakad na ako papunta sa University, medyo malapit lang naman dito sa tinitirhan ko, isinuot ko ang eyeglasses ko at medyo ginulo ang buhok.
Dumeretso ako sa room at umupo sa medyo hulihan. May natutulog e ang aga aga pa, may naghaharutan. Ganito ba talaga dito?
"Oy bro , bago ka?" Tanong ng isang lalake na may katabing babae medyo singkit.
"O-Oo." Sagot ko
"Ako nga pala si Chordie, ikaw? Ano'ng pangalan mo?" Tanong niya
"Clefford." Maikling sagot ko
"Ahh sama ka sa'min mamaya, sabay-sabay na tayo kumain." Sabi pa nito
"Salamat." Sagot ko, mukhang mabait naman.
Napatigil kami sa pag-uusap nang dumating ang Professor namin at may babaeng maarte na nagsalita, mukhang nagrereklamo.
"Hey! Who's this? Bakit siya natutulog e oras ng klase, duh!" Sabi nung babae
"P'wede ba 'wag kang maingay, Prof. nga natin hindi siya pinapakealaman e tapos ikaw sinisigawan mo ang kaibigan ko." Sagot ng babaeng singkit na katabi ni Chordie
"Lagot siya kapag nagising si Arah." Sabi ni Chordie
Arah? Medyo pamilyar ang pangalan na yun.
-
Kakatapos lang ng klase namin, sumunod ako kay Chordie at sa girlfriend niya papunta sa Cafeteria. Nahihiya pa ako kasi kakakilala pa lang namin.
Tumambay lang kami sa isang bench, nanahimik lang ako sa isang tabi dahil nag-uusap 'yong magjowa.
Biglang dumating 'yong Arah.
"Naglalandian kayo d'yan e may kasama pala kayo." Bulong nito pero rinig ko naman.
"Ay oo nga pala emotionless " Sabi ni Chordie
"Arah! Arah ang pangalan ko." Sabi nang babae
"Hehe Arah , may bago tayong kaibigan, siya yung isang bago nating classmate." Pakilala ni Chordie, napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...