KABANATA 22

1.3K 15 0
                                    

KABANATA 22

GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★

"Oh Arah, nandito ka na pala. Parang ang bilis mo yata ah at bakit hinihingal ka?" Tanong ni Nay Carol

Nagpunas ako ng luha bago humarap sa kanya. "Tumakbo po ako Nay, muntik na akong mahuli, bigla dumating sila Kuya, nakita pa ako ni Kuya Drammy." Sabi ko sabay kamot sa ulo.

"Nakita ka? Ano'ng sabi, nagalit ba sa 'yo?" Tanong pa ni Nay Carol

"Hindi po, mabilis akong umalis pagkatanong niya na kung ako daw ba ang nagdala ng bulaklak, sumagot lang ako at umalis na din po agad." Sabi ko

"Ate, isa nga pong adobo." May bumibili sa labas pero napatago ako sa likod ng pintuan ng mapagtanto kong si Kuya Vash iyon.

"Sandali lang." Sabi ni Nay Carol dahil naki-usap ako na siya na muna ang magbigay.

"Ano'ng sa inyo?" Tanong ni Nay Carol sa bumibili.

"Adobo po saka itong nilaga. Mag-isa lang po ba kayo dito? Wala kayong katulong magluto?" Tanong ni Kuya Vash

"Oo, mag-isa lang ako. Kinakaya mabuhay mag-isa iho, kakamatay lang ng asawa ko." Sagot ni Nay Carol

"Ay dito nga po pala yun, condolences po. Nakita ko nga po noong nakaraang uwi namin na may mga tao dito. Magpakatatag po kayo ha." Sabi pa ni Kuya Vash, naluha ako ulit bigla.

"Wala na, naka-alis na siya." Sabi ni Nay Carol

"Sorry po, ayaw ko talagang magpakita sa kanila kasi ako yung nasasaktan Nay, pipilitin lang nila akong umuwi tapos kapag bumalik na ako dun, hindi na naman magiging masaya si Mama. Ramdam ko po kanina yung saya niya noong dumating ang mga Kuya ko, yung boses niya parang sumigla po."

"Ang negative mo naman 'nak, think positive dapat palagi." Sabi ni Nay Carol, lalo akong napahagulgol ng tawagin niya akong anak, matagal  ko ng gustong maramdaman ang pagmamahal ng isang ina.

-

"Alam ni'yo po ba Nay Carol, nakilala na ni Clefford ang mga magulang niya kahapon lang."

"Talaga? Sino, taga saan?"

"Si Tita Rose at Tito Joey po, parents po ni Rainne. Si Clefford po pala ang nawawala nilang anak."

"Rose at Joey? Nabalita sila dati ah, kinuha sa hospital ang anak nilang kakaluwal pa lang. Ngayon lang pala nakita at si Clefford pala ang batang yun? Parang coincidence."

"Hindi ko rin po alam, minsan talaga pinaghihiwalay tapos sa 'di inaasahang pagkakataon ay pagtatagpuin ulit." Sabi ko

"Tadhana talaga e." Napailing na lang si Nay Carol

"Nay, p'wede ko po bang makita yung mga picture ni . . . ni Tay Gary dati?" Tanong ko

"Sige, kukunin ko lang doon sa kwarto namin saglit."

Paglabas niya ng k'warto ay inabot niya sa akin, may bumili kaya pinuntahan muna ni Nay Carol at ako naman nagsimula ng magbuklat.

Ang dami pala niyang achievement, lalo na sa company nila kaso dahil sa nangyari, nawala sa kanila lahat.

Feeling ko tama si Mama. Dahil sa akin hindi siya na-promote, hindi sila nakapunta sa ibang bansa, napilitan magsundalo ang mga Kuya ko kahit ayaw nila dahil dun tapos ngayon na-realize ko dahil din pala sa akin kaya nawala ang company nila Nay Carol, naghirap sila, naaksidente pa si Tay Gary, hindi naman yun magagawa ni Kuya Drammy kung hindi iniutos ni Mama.

Nasira ang buhay nila dahil sa akin, ako talaga ang may kasalanan ng lahat, sa akin nagsimula at eighteen years ko na yung pinagdudusahan.

Pinagmasdan ko ang picture ni Nay Carol at Tay Gary noong kinasal sila, ang saya tingnan ng mga ngiti nila, mukhang walang iniisip na problema, ngayon? Hindi ko na nakikitang nakangiti si 'Nay Carol.

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon