KABANATA 32
GYTE ARAH's POINT OF VIEW ★
5 months later.
Stay strong pa din kami ni Clefford.
Unti-unti na ring nakikilala ang mga Tula ko. May mga naibenta na sa mga Bookstores at mabenta siya.
Inaatake pa rin ako ng sakit ko pero hindi madalas.
Wala akong ginawa buong bakasyon kun'di gig, sumulat ng tula, tumulong kay 'Nay Carol, dumalaw sa sementeryo, magpa-check up , makipag kita kina Kuya ng patago at s'yempre spend time with Clefford.
Malapit na ang June at fourth year na kami, malapit na grumaduate, yes!
Napahawak ako sa dibdib ko, kumikirot pero hindi ko na lang pinansin at pilit ngumiti.
"Hi Tita Valerie, si Melody po?" Tanong ko, nandito ako sa kanila ngayon, trip ko lang gumala e boring sa boarding house, wala naman si CiiGee, nandoon siya sa company nila nagwo-work.
Nakakatampo nga e, sixth monthsary na namin ngayon pero hindi niya manlang naalala kahit isang text manlang.
"Ay Arah, wala si Melody. Sinusulit ang bakasyon kasama ni Chordie sa probinsya nila. "
"Halaaa, ang daya naman ni Melds, hindi manlang nagsabi."
"Maupo ka muna at ipaghahanda kita ng meryenda." Sabi ni Tita Valerie at naupo ako sa sofa, "Biglaan din kasi ang pagpunta nila, pinadalhan si Chordie ng ticket ng Mama niya kaya nagpunta na yung dalawa kasi malapit na ang pasukan."
"Oo nga po Tita e nasa trabaho din po sana ako ngayon kaso nagpahinga lang po ako. Si Xylou naman busy din kasi nagtatayo na po sila ng sariling bakery kahit hindi pa siya tapos mag aral. Si Sharfaye naman kasama ni Peter, si Rainne ewan ko lang kung nasaan, kasama yata si Monica. Ang lungkot naman Tita, mag-isa lang po ako."
"Si Clefford, nasaan?"
"May trabaho po e hindi nga po ako tinetext o kahit isang chat lang. Sobrang busy yata po."
"Ay siguro nga. Sasabihin ko sanang dito ka na lang muna kaso may lakad din kami ng Tito mo."
"Okay lang po Tita, salamat po sa meryenda. Dadanan na lang po siguro ako sa bookstore tapos dederetso kina 'Nay Carol."
"Ay sige. Gala ka na lang ulit dito kapag nakauwi na sila Melody."
"Opo Tita. Salamat po."
Nakasimangot akong naglakad patungo sa malapit na bookstore.
"Miss Gyte Arah? Oh my God, nandito si Miss Gyte Arah. Saktong kakabili ko lang ng books niya." Sigaw ng babae sa bookstore.
"Hello po. Puwede po bang magpa-picture? Fan ni'yo po ako!" Sabi ng isang babae sa akin.
"S-Sure po." Sabi ko at kinuha niya ang cellphone niya tapos nag-selfie kami.
"Thank you po. Ang bait ni'yo po." Sabi niya, ngumiti lang ako at naglakad na ulit.
"Hi Miss Gyte Arah.."
"Oh my Miss Gyte Arah? Halaaa! Hindi ako makapaniwala. Hello po."
"H-Hi. Thank you." Sabi ko
"I can't breathe haha! Yung idol kong manunulat, na-notice ako.. Waaahhhh!!"
Ang sarap sa pakiramdam na marinig ang mga sinasabi nila.
Nag-ikot ikot pa ako sa store.
"Hi. Nice to see you again."
"Oh. Hi there Mr. Khalil, sa tuwing pumupunta ako dito, nandito ka." Sabi ko
BINABASA MO ANG
GYTE ARAH (The Guitar Princess)
Romance[COMPLETED] ✓ You keep a lot to yourself because it's difficult to find people who understand, ang if you want to be strong, learn to fight alone. I hate this feeling- mag-isa. Palaging mag-isa sa loob ng sariling tahanan, mag-isa kahit mayroong ka...