KABANATA 33

1.1K 12 0
                                    

KABANATA 33

SOMEONE's POINT OF VIEW ★

"Kuya, nasaan kayo?" Tanong ni Arah sa Kuys Vash niya, itenext niya.

"Nandito kami sa Baguio bunso, birthday ni Mama 'di ba? Request kasi niya na dito kami magpunta. Bakit?" Reply ng Kuya niya.

"Walang tao sa bahay? Puwede bang doon ako matulog ngayon?"

"Sa bahay? Sige. Itetext na lang kita para alam mo kung kailan kami uuwi, baka maabutan ka nila Mama d'yan." Reply ni Vash

"Opo. Salamat Kuya."

Dahil galing siya sa event at gabi na, doon na siya natulog sa bahay nila, ayaw niya matulog sa boarding house kasi medyo malayo o kaya sa 'Nay Carol niya dahil alam niyang doon siya hahanapin ni Clefford.

Naupo muna siya sa upuan malapit sa may garden nila at tumingin sa buwan, bilog na bilog at nandoon din ang mga bituin na naka-form na gitara, may kulang talaga para mabuo.

"Hintay lang ha, malapit na kayong mabuo. Malapit na tayong magkasama." Bulong ni Arah na umiiyak na naman.

"Alam kong iiwan nila ako. Mali. Darating yung araw na iiwan ko din silang lahat. Mahirap mag-pretend na okay lang ako, na masaya ako kahit na ang totoo ay hindi ko na talaga kinakaya, parang ayaw ko nang maging masaya kasi alam kong may lungkot na kapalit pero sa panahon ngayon, kailangan ko ng sulitin."

Nagpunta na si Arah sa loob ng bahay nila at natulog sa dati niyang kwarto.

-

"Rainne, anong oras na?" Tanong ni Clefford sa kapatid niya.

"Ten pm na Kuya, bakit? Pauwi na naman tayo e."

"Patay! Nakakainis! Hindi ko naalala." Nasipa ni Clefford ang upuan na nasa harapan niya.

"Anak, bakit?" Tanong ng Mommy niya.

"Clefford, trending si Arah ah, may event pala siya ngayon? Hindi mo sinabi sa amin para nakapanuod sana tayo." Sabi ng Tita Rica niya.

"Yun na nga po Tita e, nakalimutan ko po. Ang sabi ko sa kanya kanina e uuwi ako ng six para samahan ko siya kasi seven pa naman ang simula. Tsk! Bakit ba hindi ko naalala yun?" Sabi ni Clefford sabay kamot sa ulo.

"Kuya, nakita ni Ate Arah yung post ko, ni-like niya pa nga e pero kanina pang eight." Sabi ni Rainne

"Lagot. Mommy, mauuna na po akong umuwi sa inyo, pupuntahan ko si Gammy, magtatampo na naman yun. Kahapon nga nagtampo na e."

"Sige anak, mag iingat ka ha. Ipapahatid na kita sa Driver natin, dala naman ng Tita Rica mo ang kotse niya." Sabi ng Mommy Rose niya

"Opo Mommy, sige po. Salamat." Sabi ni Clefford at nagmamadaling sumakay ng kotse.

"Kuya, sa boarding house po." Sabi ni Clefford, tina-try niyang tawagan si Arah pero out of coverage ito.

"Gammy please, sagutin mo." Sabi pa niya at paulit ulit na ti-nry tawagan si Arah pero hindi niya makontak dahil lowbat ito.

"Kuya, pakibilisan po."

Kaagad bumaba si Clefford pagtapat ng kotse sa boarding house.

"Salamat Kuya, uwi na po kayo sa bahay." Sabi ni Clefford sa Driver at nagmamadaling pumasok sa bahay. Dumeretso siya sa kuwarto ni Arah at kaagad kumatok.

"Gammy! Gammy, nand'yan ka ba?" Tawag ni Clefford

"Oh Clefford, tinatawag mo ba si Arah? Wala pa siya, hindi pa siya umuuwi simula noong umalis siya kaninang mga six thirty ng gabi."

GYTE ARAH (The Guitar Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon