Chapter 3

24.9K 627 60
                                    

Car Accident

Tatlong araw na ang nakakalipas simula nang magpunta si Claudine sa Samonte's Empire upang mag-apply ng trabaho. Nalulungkot sya sa tuwing naiisip na hanggang ngayon ay wala pang tumatawag sa kanya.

Kahit na alam nyang hindi sya matatanggap ay naghihintay parin sya sa tawag nito. Iniisip nalang niya na baka walang load iyong masungit na lalaking iyon o kaya ay hindi marunong gumamit ng telepono.

Maya-maya ay napanguso siya at napa-isip. Paano kapag tama pala ang iniisip niya? Paano kung hindi talaga ito marunong mag-cellphone, diba sabi nito sa kanya ay ‘we will call you’ daw. Kaya siguro marami silang tatawag sa kanya ay dahil hindi ito maruning mag-call through phone.

Hay naku! Dapat kasi nagpakita siya ng tutorial.

Sya nga eh, bente anyos na siya nung matutong gumamit ng telepono. 19 years old na siya nun pero laruang cellphone lang ang ginagamit niya. At sa totoo lang ay kontento na siya roon. Kung siya lang ang papipiliin, mas prefer niya ang ganoong cellphone. Ang cute kasi ng mga ringtone.

Ai yai yai, I’m a little butterfly. Ang pangit pakinggan, masyado na kasing common. Isip nalang siya ng bagong lyrics. Ai yai yai, ang galing kong sumayaw. Ay mali yata. Ai yai yai, ako ay magsusuklay. Wait, mali parin yata.  Ai yai yai, si Claudine ay maganda. Much better.

Maganda rin iyong ringtone na wawawot, arf  arf, arf!

Bagsak ang balikat niya nang maka-upo siya sa isang bakanteng bench. Sana i-text naman sya nung Sean na iyon para hindi sya malungkot. Di bale ng walang trabaho, basta may ka-text. Syempre uso din lumandi lalo na kung kasing guwapo ng isang Daniel Sean Samonte.

Hehehe.

Napangiti sya nang ma-imagine nya na magkatext sila ng masungit na CEO na iyon. Tapos inaya sya nito magpakasal agad-agad. Ganoon ka-advance ang utak niya. Malapad ang kanyang pagkakangiti habang nangigigil sa kilig, walang kaalam-alam na nakatitig na pala ang ilang mga batang pinapanuod siya.

Natigilan sya sa pag-iisip ng kung ano-ano nang may biglang tumama na bato sa kanyang noo. Napatayo tuloy sya mula sa pagkaka-upo sa bench. Kagagaling lang nya sa paghahanap ng trabaho at nais niyang magpahinga dito sa parke pero may kung sino ang bumato sa kanya ng bato. Ang sakit!

“Miss, are you okay?”   tanong ng lalaking lumapit sa kanya.

Gwapo ito at moreno pa. Ang cool ng buhok nito, buhok palang alam mo na kaagad na bad boy ito. Pero kung tatanungin siya, mas gwapo iyong masungit na si Sean.

Teka, bakit naman nya nabanggit ang pangalan ng masungit na lalaking iyon? Bakit iyong masungit na iyon ang palagi niyang naiisip? Mahirap talaga kalimutan ang mga taong kinasasamaan niya ng loob.

“Miss, I'm asking you. Are you alright?”

“Mukha bang ayos lang ako?”   mataray na tanong niya.

Hindi naman sya basta-bastang nagtataray kung kani-kanino, pero dahil sa pakirandam niya ay nagkabukol nang malaki ang kanyang noo ay may karapatan syang magtaray ngayon. Mababawasan tuloy ang ganda niya.

“Sungit mo naman, Miss. But you are cute.”

"Cute talaga ako pero hindi ako masungit. Sige, slight lang.”

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon