Chapter 18

16.2K 446 67
                                    

Call

Hapon na nung makauwi si Claudine sa bahay nila ng Tita nya. Pagod na pagod sya kasi ang daming inutos sa kanya nung Vice President sa kompanya.

Medyo baklain ito at nahalata nyang nagpapapansin ito sa boss nya. Naisip nya tuloy na pinahihirapan sya nito kanina dahil sa dahilang iyun.

Eh ano ba namang kasalanan nya rito? Wala naman eh, maliban nalang sa pagdikit-dikit nya kay Sean. Pero kasi sanay na sya sa gawaing iyun, hindi rin naman nagrereklamo ang boss nya.

Kumibit balikat nalang sya. Tomorrow is another day, isa pa wala na ulit iyung Vice President na iyun bukas, kaya makakapag-relax na sya.

Papasok na sana sya sa loob ng bahay nila nang mapansin si Gabo na naglalakad patungo sa kinaroroonan nya. Naku, alam na nya kung anong ipinunta nito rito. Gusto na naman nito na tumambay sila sa tambayan nila sa taas ng puno.

May tree house ruon na pinagtulungan nilang gawin para sa buong barkada. Hindi na nga sila buo eh, simula nung umalis si Lorena papunta sa ibang bansa ay nagkawatak-watak sila.

Dati naman ay mas marami silang mga babae sa barkada, pero isa-isang nawala ang ilang kababaihan sa kanilang barkada. Tanging dalawa nalang silang babae ang natitira. The rest, puro lalaki na.

"Yow, Claudia"

Napangiti sya nang makaharap na nya ito. Claudia ang tawag sa kanya ng buong barkada, palayaw nya iyun. How cool right?

"Oh Gabo, bakit?"

"Tara sa tambayan. Kami lang ni Qasie ang naruon eh"

Si Qasie ay tanging kasama nyang natitirang babae sa barkada nila. Maganda ito at mabait pero may pagkatomboyin. Kaya manghihinayang ka talaga sa babaeng iyun.

"Sige tara"

Akma na sana syang maglalakad pero hinawakan sya nito sa braso kaya kaagad din naman syang napatigil sa paglalakad. Ano na naman ba?

"Bakit Gabo?"

"Hindi ka man lang magpapalit ng damit? Hindi mo man lang ba iiwanan ang mga gamit mo?"

Tinignan naman nya agad ang kanyang mga gamit at maging suot. Oo nga pala, nakalimutan nyang magbihis muna at iwanan sa loob ng bahay ang mga gamit na dala nya.

"Sandali lang Gabo ah?" pagpapaalam nya kaagad sa binata.

Mabilis syang pumanhik sa loob ng bahay at nagtungo sa kwarto nya para makapagbihis. Binilisan nya talaga para hindi mainip si Gabo.

Nang matapos sya ay lumabas kaagad sya ng bahay at sabay sila ni Gabo na nagtungo sa tree house, ang tambayan nila.

"Hi Qasie!" bati nya kaagad rito.

"Oh, buti naman narito na kayong dalawa" nakangiting bungad sa kanila ni Qasie.

"Anong meryenda natin?" tanong kaagad nya bago umupo sa sahig.

"Oh heto, nilagang kamote tsaka Dalandan juice!" sagot ni Gabo sa naging tanong nya.

Kukuha na sana sya ng tinidor nang makita nyang inabotan ni Qasie ng tinidor si Gabo, ito namang si Gabo pagkatanggap nung tinidor ay tinuhog naman nito ang isang pirasong kamote bago ibinigay sa kanya.

Nagkatinginan tuloy sila ni Qasie, obvious naman na may gusto ito kay Gabo. Pero alam nya rin na may gusto si Gabo sa kanya, yeah maganda kasi sya.

"Naku, Gabo ibigay mo nalang iyan kay Qasie. Medyo busog pa ako. Juice nalang sakin" pagdadahilan nya.

Pero ang lokong si Gabo, binitawan nalang basta ang hawak na tinidor na may nakatuhog na kamote bago inabotan sya ng baso na may juice.

Nakita nya kung paano umirap sa hangin si Qasie pero hindi nya iyun pinahalata. Bestfriend nya ito at lahat ay gagawin nya para maging masaya ito.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon