Chapter 14

16.1K 402 10
                                    

Tres Malditas

Isang linggo pa ang lumipas. Naging masaya naman ang takbo ng buhay ni Claudine dahil finally, ok na silang dalawa ng kanyang boss.

Back to normal na talaga sila. Hindi na sya nito iniiwasan kaso balik din sa dati ang trabaho nya. Madami na naman itong ipinag-uutos sa kanya.

Pero ayos lang iyun sa kanya. Carry naman and it is part of her job, dapat nya talagang sundin si Sean.

Kasalukuyan syang nakahiga sa kanyang kama. She can't deny to herself her wide smile in her red lips.

Hindi kasi maalis-alis sa isip nya ang araw na binigyan nya ng cookies si Sean. Palagi iyng nagbabalik sa kanyang alaala.

[Flaschback]

It's lunchbreak at talagang gutom na si Claudine. Hindi kasi sya nakapag-umagahan kanina dahil sa mad inuna pa nyang magbake kesa kumain ng umagahan.

Hindi narin nya nagawa pang kumain sa pantry dahil sa may limang sunod-sunod na appoinment ang naganap kanina.

Napahilot sya sa kanyang sariling sintido. Nahihilo na sya dahil sa gutom. Nakalimutan nya rin palang kumain kagabi dahil sa pagod na pagod syang nakauwi sa mumunti nilang bahay.

Tumayo sya para sana magpunta sa pantry nang ma-out of balanse sya dahil sa matinding pagkahilo.

She thought that no one can catch her because she is alone, akala nya rin ay mahuhulog na sya sahig but she's wrong.

May matipunong braso ang basta nalang pumulupot sa bewang nya, ang isa pa nitong braso ay nasa may batok nya.

Tumigil yata ang ikot ng mundo nang masilayan nya ang napakagwapo nitong mukha. Ang gwapong mukha ng lalaking sumalo sa kanya.

Bakit ngayon nya lang napansin na sobrang gwapo pala talaga ng boss nya? She mean, gwapo ito pero hindi lang pala ito gwapo. But he is like a Greek god! Just like it!

Nabalik sya kaagad sa kanyang sarili nang iayos sya nito ng tayo. Ano bang pumapasok sa isip nya?

"Are you alright?"

"Y-yes Sir" oh, why is she stammering?

"You are not. Your lips looks so pale. But your cheeks are so red. What's wrong?"

"W-wala po Sir. Kailangan ko lang po ng tubig"

"Then I'll get you water" akma sana itong maglalakad nang hawakan nya ito sa braso.

Muntik na naman kasi syang matumba. Isa pa, she's doing her best para maging ayos na sila ng kanyang amo. Hindi dapat sya maging pabebe.

"Hwag na Sir, ako na po ang kukuha"

"But you look not ok!"

"I'm fine Sir" sabi nya bago nagsimulang maglakad.

Pero p*steng mga paa nya, tuluyan na syang natumba sa sahig. Mabuti nalang ay nalapitan kaagad sya ng kanyang amo.

Feeling nya naduduling ang mga mata nya habang unti-unting pumipikit ang kanyang mga mata. Nilalamun na sya ng dilim.





Hindi maalis sa mukha ni Claudine ang matinding pagkagulat. Ang dami kasing pagkain sa harapan nya.

Naka-upo sya sa kama sa loob ng clinic habang nakapatong ang malakimg tray sa kama na inuupuan nya.

"Eat all of that" anang baritong boses.

"Pero Sir, hindi ko po kayang kainin lahat ng ito"

"The nurse said, nawalan ka daw ng malay dahil sa pagod at gutom. Masyado bang naparami ang inutos ko sayo?"

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon