Chapter 23

15K 444 25
                                    

Samonte Family 1

Inis na inis na nakatayo si Sean sa harap ng dining table. Buo silang mag-pamilya ngayon na kumakain for breakfast.

Nagulat pa nga sya na narito si Xeldre, madalas kasi ay sa condo unit nito ito umuuwi. Ganuon rin si Deshly, may sarili na kasi itong bahay at lupa. Si Dennice rin ay narito, parati kasi itong nakikitulog sa pinsan slash kaibigan nito na anak ng Tita Danica nila. Also Dylan, may sarili narin kasi itong condo unit. Nakakapanibago.

"Son, sakto lang pala ang dating mo. Kain kana" nakangiting sabi ng ina nya bago sya hinalikan sa pisnge.

Umupo sya sa nag-iisang bakanteng upuan, bakit ba naman kasi ang dami nilang magkakapatid? Minsan nga ay nag-uunahan sila sa upuan eh.

"Son, umuwi ka ng maaga ah? Remember, there's a celebration here"

Celebration, bakit hindi yata nya iyun alam? Bakit naman magkakaroon ng selebrasyon? He have no idea.

"Celebration for what Mom?" takang tanong nya rito bago sya nagsandok ng kanin.

"Well son, today is our family day right?" sagot ng kanyang Dad na nagsisimula ng kumain.

"Great" walang buhay nya pang imik bago sumandok naman ng ulam.

Every year nga pala ay nagkakaroon ng celebration ang family nila in the same date. Masyado kasing kinacareer ng parents nya ang isang masaya at buong pamilya.

Now he know kung bakit nandito lahat ng kanyang kapatid, because of that bullsh*t celebration thingy. Pakiramdam nya tuloy ang sikip-sikip ng bahay.

Nasubukan narin nya dati na umalis na sa puder ng parents nya, that time ay sila pa ng ex girlfriend nya.

Nagyaya sya nun magpakasal kay Lorena, but that f*cking bitch rejected his proposal. Kaya minabuti nya munang mag-stay sa puder ng magulang nya.

Siguro bubukod nalang muna sya kapag nakahanap na sya ng babae na panghabang buhay na nyang makakasama.

There's a glimpse of smile in his lips nung nagpop up sa utak nya ang nakangiting imahe ni Claudine. She's so beautiful talaga.

"Hey dude, you look crazy" bulong ng kambal nyang si Sage kaya natigilan sya.

"What?!" inis nyang tanong.

Nakakunot ang kanyang noo nang harapin nya ito. What did he just say? F*ck, is his twin insulting him? Kahit kailan talaga!

Magaling ito sa mga mabubulaklak na salita kapag dating sa babae, pero kapag sya na ang kausap nito ay mas magaling pa ang bibig nito sa pang-iinsulto.

"Man, you're smiling alone. Do you know that smiling alone is a sign that you're crazy?" nakangisi nitong tanong kaya inupakan nya ito.

"The f*ck Sean?!"

"Hwag mo akong ma-Sean diyan ah? Kuya mo ako!" bulyaw nya rito.

Napipikon talaga sya rito. Simula nung magbinata na sila ay hindi na sila ganun kalapit sa isa't-isa. Nagkaroon na sila ng kanya-kanyang interes sa buhay.

"Kuya ka dyan, kambal tayo ano?!"

"F*ck you Sage, I'm thirty seconds older than you!"

Iimik pa sana ito nang biglang lumapit sa kanila ang kanilang ina at piningot silang dalawa sa mga tenga nila. Napangiwi agad sya.

"Mom, stop it!" bulalas nya nang higpitan nito ang pagkakapingot sa tenga nya.

"Mom, let go of my ear!" bulalas naman ni Sage.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon