Chapter 11

17.2K 449 57
                                    

Return Of Pain

Linggo ngayon at tinanghali na ng gising si Claudine. Pinabayaan sya ng kanyang tiyahin kasi napagod talaga ito kagabi.

Hindi nakapasok sa trabaho ang kanyang amo kaya sya ang namahala sa ibang gawain nito.

After kasi ng meeting nya with Mr. Pelaez nung nakaraang araw ay nagkaroon na ng tiwala sa kanya ang masungit nyang boss. Kaya hayan, inatas nito sa kanya halos lahat ng trabaho nito.

Sinong hindi mapapagod? Gumawa sya ng tatlong dokumento ukol sa Marketing Department, Sales Department at Finance Department. Gumawa rin sya ng panibagong power point na kailangan nyang i-present sa meeting ng board of directors. Madami rin syang pinirmahan na forms, sya narin ang umattend ng apat na sunod-sunod na meeting sa mga mahahalagang kliyente. Sino bang hindi mapapagod duon?

Pero di bale, sulit naman! Kasi napangiti nya ang ubod na sungit na amo at nagkaroon na ito ng tiwala sa kanya ngayon.

And, hindi na natuloy ang pagsuspinde sa kanya. Ang ipinagtataka nya lamang ay bakit hindi ito pumasok yesterday? Maaga rin itong umuwi nung nakaraang araw.

Gusto man nyang malaman ang kung anong nangyayari rito, wala syang magagawa kundi ang manahimik nalang.

"Claudine!" sa sobrang pagkataranta ay natusok nya ang sariling daliri ng karayom.

Nananahi kasi siya ng kanyang uniporme na nasira kahapon lang, sumabit yata sa kung saan.

Inis nyang tinignan ang tiyahin. Tanghaling tapat tapos kung makasigaw eh wagas. Ano na naman bang problema ng tiyahin nya?

"Bakit ba kayo sumisigaw dyan Tita, nakakahiya sa mga kapit bahay!" himutok nya rito bago sinipsip ang dugo na nasa dulo ng daliri nya.

"May bisita tayo! Isang importanteng bisita!"

"Sino po ba iyang IMPORTANTENG BW*SITA tita?" may pagkamot sa ulo nyang tanong.

"It's me Claudine!" nanlaki ang kanyang mata nang magpakita ang bisitang tinutukoy ng Tita nya.

"Lorena?!"






Maghapon na yatang magkasama ang magpinsan na Claudine at Lorena sa ilalim ng puno ng mangga. Namiss nila ang isa't-isa eh. Halos dalawang taon narin nung huli silang magkita at magkasama.

Mga bata palang sila ay magkasama na silang dalawa, nakatira pa sila nuon sa probinsya.

Nang magdalaga sila ay napag-isipan ng ina ni Lorena na mag-ibang bansa. Walang nagawa si Claudine kundi ang magpaalam nalang sa pinakamalapit na pinsan.

Pero heto, bumalik ang kanyang pinsan sa Pilipinas. Pero hanggang ngayon ay hindi nya parin alam ang dahilan kung bakit.

"Lorena, bakit ka pala bumalik dito?" biglang tanong nya sa pinsan.

"Grabeh ka naman sa tanong mo Claudine, syempre namiss ko kayo ni Tita. Namiss ko rin itong bansa natin at namimiss ko narin ang ex boyfriend ko"

Nakakunot noo nyang nilingon ang pinsang nakatanaw sa maulap na himpapawid. Ex boyfriend? Nagkaroon ito ng dating kasintahan?

"Ex boyfriend?" pag-uulit nya rito.

"Oo. May naging ex boyfriend ako noon. Nuong una ay trip lang ang lahat kaya sinagot ko ang lalaking iyun. Madami akong manliligaw pero sya ang pinili ko kasi gwapo sya, mabait, maalaga, sweet at higit sa lahat ay mayaman. I know, minahal nya ako ng sobra. Ramdam kong ibinuhos nya ang buong buhay at pagmamahal nya sakin pero hindi ko iyun nasuklian" sandali itong tumigil.

"Nakulangan ako sa pagmamahal na ibinigay nya, nakulangan ako sa mga materyal na bagay na natatanggap ko mula sa kanya lalo na nung sya na iyung humawak ng kumpanya ng Daddy nya. Naghanap ako ng iba kahit kami pa. I flirt a lot of boy kahit na taken parin ako" natigil sya sa pagkukwento bago ngumiti ng mapait.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon