Chapter 9

17.9K 515 56
                                    

Instant Personal Maid

Himala para kay Claudine ang araw na ito dahil mas maaga pa syang dumating sa kumpanya kesa sa kanyang amo.

Natakot kasi sya nang sabihin ng kanyang amo kahapon ng umaga na parurusahan sya nito dahil sa mga kapalpakan nya.

Bumuntong hininga sya bago kinurot-kurot ang sariling pisnge. Hindi na nya alam ang gagawin nya.

"Ms. Manalo" napatayo kaagad sya nang marinig ang isang pamilyar na baritonong boses.

Kinakabahan syang humarap sa kanyang amo. Grabeh ang hot naman nito, medyo wet pa ang buhok. Mahahalatang bagong ligo.

Lumaki yata ang butas ng ilong nya nang maamoy ang pabango nito, ang bango-bango talaga nito.

"Are you done sniffing my perfume?" seryosong tanong nito bago nagpamulsa.

Natauhan naman kaagad sya kaya napa-ayos sya ng tayo. Pinagsiklop nya ang kanyang dalawang kamay.

"I already think kung anong ipa-pataw kong parusa sayo Ms. Manalo"

Napahigpit sya sa pagsiklop ng kanyang mga kamay. Kinakabahan sya sa maaaring maging pasya nito.

Mas kinabahan pa sya nang marinig na apelyido nya mismo ang itinawag nito sa kanya na dapat ay first name nya. Hindi ba parang masyadong pormal iyun?

"Claudine, I'm sorry to say pero suspension ang parusa kong ibibigay sayo"

Nanlaki ang mata nya at bumuka ang bibig. Suspension, as in suspinde sa tagalog? Ibig sabihin hindi muna sya makakapagtrabaho? Magiging tambay na naman sya sa bahay nila, maghuhugas na naman sya ng plato at wala pa syang matatanggap na sweldo?

Pero hindi pa nga sya nakakadalawang buwan sa trabaho, suspend agad?! Paano nalang kung humanap ito ng bagong sekretarya? No way!

"Sir. Sean naman!" naiiyak sya, pero hindi nya iyun pinapahalata.

"I'm sorry Claudine. Don't worry, two months lang naman"

"Nagpapatawa kaba Sir?!" tumaas yata ang boses nya?

Nakakainis naman kasi eh. Suspension pa talaga ang parusang ipinataw sa kanya, at tatagal ang pagka-suspinde nya ng dalawang buwan. Baka hindi na sya makapagtrabahong muli rito.

"I'm serious about it Claudine"

"Sir naman eh! Dalawang buwan?! Baka wala na akong mabalikang trabaho rito! Tsaka Sir, mahihirapan kayong humanap ng kapalit sakin. I'm so unique Sir!"

Nagawa pa nyang magbiro? Well, sinasabi nya lang ang totoo, unique sya. Super unique! Of course hindi nya ida-down ang sarili nya.

"Yeah you are unique for a secretary. You're so noisy, importunate, immature and a very disappointed secretary. I'm sorry Claudine but you are suspended within two months"

Tumalikod na ito at nagsimula ng maglakad patungo sa pinto ng opisina nito. She will not let that happen.

Tumakbo sya palapit sa masungit na amo bago ay lumuhod tsaka niyakap ang kaliwang binti nito.

"The f*ck?! What are you doing Ms. Manalo?"

"Sir. Sean, sorry na po! Pangako ko po sa inyo na hinding-hindi na po ako papalpak pa! Last na last na po talaga Sir! Patutunayan ko po iyan sa inyo Sir. Sean!"

"Stand up Ms. Manalo, my decision is final" pilit sya nitong itinayo.

"Sir. Sean, isang chance nalang po. Bigyan nyo po ako ng tatlong araw, kapag palpak parin po ako sa loob ng tatlong araw ay ako na mismo ang magsususpinde sa sarili ko" ikinikiskis nya ang kanyang palad sa isa pa nyang palad, para bang nagmamakaawa.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon