The Ace
Inis na pumasok si Lorena sa loob ng kanyang sariling kwarto. Bw*set, kanina pa nyang kinokontak ang phone ni Sean pero hindi ito nagrereply o sumasagot sa mga tawag nya.
Kahapon lang ay mabilis pa ito sa alas kwatro kung magreply sa mga text nya, pero bakit biglang ganito? Nakakainis!
May kasalanan pa ito sa kanya. Nagrequest sya rito na matulog sa bago nilang bahay pero tumanggi ito, hindi nya tuloy nagawa ang plano nya.
Well, plano nya lang naman na magpabuntis rito para mapasakanya na talaga ito, kung sana ay pumayag ito baka ang paghihintay nalang ng baby ang poproblemahin nya.
"Lorena, diba sabi ko sayo tulungan mo muna akong buksan ang mga kahon na pinaglalagyan ng ilan nating mga gamit?" nakapamaywang na sabi ng Mommy nya at mataray na pumasok sa loob ng kwarto.
Inis syang napakamot ng ulo. Kanina pa nga syang naiinip sa reply ni Sean, dumagdag pa itong Mommy nya. Sarap nitong igisa sa kumukulong mantika.
"Ano, tutunganga ka nalang ba dyan?"
"Mommy, as you can see hindi ako nakatunganga lang. I'm using my phone" nakataas ang isang kilay nyang sagot rito bago umirap pa.
Minsan talaga naiisip nya kung bakit ganito ang Nanay nya. Manang-mana sa Tita Clauny nya. Si Tita Clauny ay ang ina ni Claudine.
Hindi nya na sinabi kay Claudine na kilala nya ang ina nito. Nung magpunta sila sa States ay nakasama nya ito roon, sinubukan nya noong ipaalam iyon kay Claudine pero hindi sya pinayagan ng ina.
Nakasama nya ito ng halos tatlong buwan, pagkatapos nun ay wala na syang naging balita rito dahil umalis na ito sa puder nila na walang iniwang impormasyon.
"So ano, dudutdot ng dudutdot ka nalang ba dyan sa screen ng cellphone mo?"
Umirap syang muli bago itinapon sa may gitna ng kama nya iyong hawak nyang cellphone. Inis syang rumampa palabas ng silid.
Sinundan naman sya ng kanyang ina at nakaabot sila sa sala kung na saan ang limang malalaking box, halos nandoon lahat ng gamit nila.
Sinimulan nyang buksan iyong pinakamaliit na box na naglalaman pala ng mga litrato, maraming-maraming litrato. Iyong iba ay nasa album nakalagay, may printed rin at may nakalagay sa frame.
Natigilan sya nang may pumukaw ng atensyon nya. Isang litrato ng babae na nakalagay sa picture frame, and she think nasa 40s na iyong babaeng nasa litrato. Iyon ang ina ni Claudine.
"Mommy" pagtawag nya sa ina na abala sa pagpupunas ng ilang gamit na galing sa loob ng mga box.
"Ano iyon, Lorena?"
"Si Tita Clauny ito diba?" ipinakita nya rito ang litrato ng ina ni Claudine.
Huminto ito sa ginagawang pagpupunas sa ilang mga gamit na hawak nito. Nakita pa nya ang pagtaas at baba ng dibdib nito na para bang humihingi ng malalim.
"You're right my daughter, sya nga ang ina ni Claudine"
"Mommy, nasan na po si Tita Clauny? Ilang taon ko na po syang hindi nakikita"
"Hwag mo na syang hanapin" tanging sagot nito at ipunagpatuloy ang ginagawa.
"Pero Mommy, I'm just curious. Napalapit narin kasi sakin si Tita Clauny" sincere nyang sabi.
Kahit naman anak nito ang babaeng umagaw at umahas sa lalaking mahal nya ay may concern parin sya rito. Naging ina rin ang turing nya rito eh.
"Lorena, ayaw kong masaktan ka kaya manahimik ka nalang. Hwag mo ng hanapin ang taong wala na" kumunot ang noo nya dahil sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
Samonte Series1; The Rugged Boss
General FictionUNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya ay tahimik na ito pero kahit paano ay ngumingiti pa. But he changed. Niloko sya ng isang babae na t...