Maria's Awake
Wala sa sariling nakatitig si Claudine sa travel documents na hawak nya. Nagdadalawang isip sya kung tutuloy ba sya sa pag-alis nya o hindi.
Aalis na sya after next two weeks at hindi pa nya nagagawang magpaalam kay Sean, natatakot kasi sya na baka hindi sya nito payagan.
Pero gustong-gusto nya talagang makita ang kanyang ina. Nasabi narin nya ito sa kanyang Tita at sasamahan sya nito papuntang Saudi.
"Claudine, nakahanda na ba ang mga gamit mo para sa pag-alis natin sa susunod dalawang linggo?" tanong ng Tita nya habang nag-iimpake.
"Hindi pa po Tita"
"Aba'y kailan kapa kikilos?" nagpamaywang ito sa harap nya kaya napabuntong hininga sya.
"Oh bakit bumubuntong hininga ka dyan? May problema ba?"
"Tita, nagdadalawang isip po kasi ako na umalis ng bansa"
Natigilan ang kanyang Tita bago lumapit sa kina-uupuan nya. Umupo ito sa katabi nyang upuan bago pinakatitigan sya sa mga mata.
"Bakit naman Claudine?"
"Kasi Tita, hindi pa ako nakakapagpagpaalam kay Sean. Baka hindi ako nun payagan" isa iyon sa mga dahilan nya para hindi matuloy sa pag-alis.
"Iyon lang ba talaga ang dahilan? Mahal ka nun at papayagan ka ng batang iyon. Nakwento mo sakin na naranasan nyang mahiwalay sa kanyang ina, at alam kong mauunawaan ka nya kung aalis ka para hanapin ang Nanay mo"
"Pero Tita, hindi lang naman iyon ang dahilan ko eh" nakayuko nya pang sabi rito.
"Natatakot ka ano? Natatakot ka na baka ipagtabuyan ka ng Nanay mo?" tanging tango lang ang naisagot nya.
"Tita, sinubukan nya akong ipalaglag noon. kasi hindi nya ako tanggap. Paano kung ipagtulakan nya ako palayo?"
"Naku Claudine, hwag ka munang magsalita ng ganyan. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan. Malay mo, matanggap kana ng Mama mo?"
Huminga sya ng malalim at napatango-tango. Sayang naman kung sasayangin pa nya ang pagkakataong makita at maka-usap ang ina.
Nakangiting lumabas si Claudine sa opisina ni Sean. Katatapos lang nila kumain ng pananghalian at ngayon naman ay back to work na silang dalawa.
Kaka-upo lang nya sa kanyang swivel chair ay biglang tumunog ang telepono kaya mabilis nyang sinagot ang tawag.
"Hello, Mr. Samonte's Secretary speaking"
(Good morning Ma'am, this is one of the nurse here in Santonio Hospital)
Natigilan sya nang malamang nurse pala sa nasabing Hospital ang tumawag. Doon nakaconfine si Maria, ang secretary na pinalitan nya pansamantala.
"What about her?" kinakabahan nyang tanong rito.
(She's awake Ma'am)
Tinulos sya sa kanyang kina-uupuan. Gising na si Maria, ibig bang sabihin niyon ay makakabalik na ito sa trabaho, pero paano na sya kapag nangyari iyon?
Nanlalamig ang mga kamay ni Claudine nang makapasok sya sa loob ng pribadong silid na inuokupa ni Maria dito sa Hospital.
Lumakas ang tibok ng puso nya nang mapadako ang tingin nito sa kanya. Mas kinabahan pa sya nang mapansing sila lang dalawa ang nasa loob.
"Oh, ikaw pala! Ano nga bang pangalan mo?" bungad agad nito sa kanya nang makalapit sya rito.
"Ako si Claudine"
BINABASA MO ANG
Samonte Series1; The Rugged Boss
General FictionUNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya ay tahimik na ito pero kahit paano ay ngumingiti pa. But he changed. Niloko sya ng isang babae na t...