Professional Secretary
Last day na ngayong araw ni Claudine at kinabukasan ay malalaman na niya kung tuloy ba ang suspension sa kanya o hindi.
Lubos nyang ipinagtataka kung bakit simula kahapon ng umaga ay hindi sya pinapansin ng amo.
Kahit anong utos dito o sulyap man lang ay wala syang natanggap. May mali na naman ba syang nagawa sa kanyang boss?
"Ang aga mo ngayon Claudine ah?" nakangiting sabi sa kanya ni Jonathan na kalalabas lang ng opisina ng pinsan nito.
"Ah oo, bumabawi ako sa lahat ng mga kapalpakan ko"
"Good iyan, keep up the good work Ms. Secretsry" tinapik sya nito sa balikat tsaka sya iniwan.
Huminga sya ng malalim bago umupo sa swivel chair. Nabobored sya kasi wala naman syang magawa. Masyado rin syang napa-aga ng pagpasok, isang oras pa.
"Alam ko na!" bulalas nya nang may pumasok sa isipan nya.
In-open nya kaagad ang bagong computer na nakapatong sa kanyang table. In-open nya ang google website.
9 Ways OnHow To Be A Professional Secretary?
1. Stay on the same page.
Kung ganun, dapat palagi syang nasa tabi ng kanyang amo. Kailangan nyang maggugol ng oras kasama ang kanyang boss.
2. Ask for feedback or help.
Hindi nya gaanong maintindihan ang nakasulat. Ask for feedback or help? Siguro naman kadamay na duon ang family problem? Hehe.
3. Offer your help in project.
Carry nya kaya?
4. Be accountable.
Asus, iyun lang pala eh. Maaasahan sya ng kanyang amo, sisiguraduhin nya iyan! Ipapakita nya sa masungit na boss ang lahat ng makakaya nya.
5 . Don't complain behind their back.
Nasamid yata sya sa kanyang nabasa. Dapat siguro baguhin nya ang ugaling iyun. Dapat maging mabuti at loyal sya sa kanyang boss. Oo tama
6. Think ahead and offer solutions to problems.
7. Communicate effectively at work.
Kung ganun, dapat kailangan silang magkaroon ng communication ng amo nya. Pero paano sila magkakaroon ng communication kung hindi sila magkasundo ng amo nya? Kailangan nya sigurong mag-adjust.
8. Communicate in personal level.
Paano nya iyun gagawin? Hindi naman sila close? Siguro dapat syang makipagclose sa rito? Oo tama!
9. Make your boss look good.
Kailangan nya ba itong puruhin araw-araw? O ang ipakita sa mga tao na good ang kanyang boss sa pamamagitan ng mga kilos nya? Oo tama!
Napapalakpak sya. Mabilis nyang kinopya ang nakasulat sa screen ng computer. Pagkatapos nya ay binasa nya ulit iisa-isa.
Napangisi sya sabay tango nang may pumasok na idea sa isipan nya. Gagawin na agad nya ang number one na kailangang gawin ng isang professional secretary.
Tumayo sya at kinuha ang baon nyang bear brand milk at nagpunta sa pantry. Ipinagtimpla nya ang masungit na boss ng kape at nilagyan ng gatas. Katulad lang nung nakaraan.
Mabilis syang nakabalik sa kanyang table. Inilapag nya sandali ang tasa ng kape at nagsuklay ng buhok. No need to retouch dahil maganda na talaga sya.
Kumatok sya ng tatlong beses sa pinto bago pumasok sa loob. Hindi man lang sya tinapunan ng tingin ng masungit na amo.
"Sir. Sean good morning, ipinagtimpla ko po kayo ng kape" nakangiti yang inilapag ang mainit na tasa ng kape sa table nito bago umayos ng tayo at nilingon ang boss.
BINABASA MO ANG
Samonte Series1; The Rugged Boss
General FictionUNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya ay tahimik na ito pero kahit paano ay ngumingiti pa. But he changed. Niloko sya ng isang babae na t...