Chapter 29

13.9K 377 13
                                    

The Ex Girlfriend Is Totally Back

Nakatulala si Claudine habang nakatayo sa may pantry, inutusan sya kanina ni Sean na gumawa ng kape. Favorite nito eh.

"Claudine"

"Ayyy!!!"

Dahil sa gulat ay nasanggi nya ang mainit na kape at tumapon iyon sa may hita nya. Napatalon-talon pa sya dahil sa pagkapaso.

"Sh*it, Claudine!"

Naramdaman nalang nya ang pagbuhat ni Sean sa kanya, nagtungo sila sa elevator. Hindi nya nga namalayan na nakarating na sila nito sa opisina nito.

Hindi kasi maalis-alis sa isip nya ang mga napag-usapan nila ni Lorena sa probinsya. Paano kapag tinotoo nga nun ang sinabi? Magkakahiwalay na ba sila ni Sean?

Isang linggo narin kasi ang lumipas. Umaaasa sya na sana hindi nito totohanin ang sinabi, kasi natatakot talaga sya na mawala sa piling nya si Sean.

"Hey, are you alright?" tanong nito at sinimulang gamotin ang paso nya sa kamay.

"Sean, pwede bang umuwi muna ako?"

"Why?" lumamlam ang mga mata nito.

Hinipo pa nito ang kanyang noo at leeg, mukhang tinitignan nito kung may sakit sya o wala, but obviously malapit na syang magkasakit dahil lubos nyang pinoproblema si Lorena.

"Wala ka namang sakit"

"Yeah, pero masama talaga ang pakiramdam ko Sean eh"

"Kung ganon, ihahatid nalang kita pauwi sa inyo"

"Hindi na, ako na ang bahala sa sarili ko"

"But I thought you're not feeling well? Paano kung may mangyari sayong masama habang nasa byahe?"

"Magiging ok ako Sean, pumayag kana please"

"Papayag lang ako kung ihahatid kita pauwi"

Bumuntong hininga sya, ano pa nga bang magagawa nya, kundi ang pumayag kasi mukhang hindi sya nito hahayaang mag-isa.

Gusto nya muna kasing magpahinga at makapag-isip-isip. Sa ngayon ay sumasakit ang ulo nya dahil sa mga problema.

"Sige na, tara na"

Sabay silang tumayo at lumabas ng opisina at dumiretso sa elevator. Still the same, magkahawak kamay sila habang nasa loob.

Pinakatitigan nya ang mukha nito, paano kung ano mang oras ay ito na ang huling pagkakataon na makikita nya ang maamo at napakagwapo nitong mukha?

"Hey, let's go?" napa-ayos sya ng tayo nang makitang magbukas ang pinto ng elevator.

Magkahawak kamay parin silang lumabas ng elevator at naglakad palabas ng building. Pasakay na sana sya ng sasakyan nang biglang may tumawag sa kanila, si Clarence pala.

Iniwan muna sya ng dalawa para makapag-usap, pero ganon nalang ang panlalaki ng mata nya nang makakita sya ng pamilyar na bulto ng isang babae na matamang nakamasid kay Sean. L-lorena?

Napunta sa kanya ang tingin nito, kinilabotan sya nang ngumisi ito sa kanya bago tumalikod at umalis.

Napapikit sya at umiling-iling. Pagod lang sya kaya sya naghahallucinate sya, oo iyon nga iyon. Wala lang iyong nakita nya diba?







Nag-aalalang lumabas ng kotse si Sean, nagmamadali syang pumasok sa loob ng maliit na bahay nito at ng Tita nito.

Absent si Claudine kahapon dahil inaapoy daw ito ng lagnat, hindi naman nya ito agad nabisita dahil nagkaroon ng kaonting problema sa kompanya kaya naging hectic ang schedule nya nung araw na iyon. Feeling nya tuloy ay wala syang kwentang lalaki.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon