Chapter 35

19.7K 352 29
                                    

Fake Letter

Nangangatal ang mga kamay ni Claudine nang iabot nya kay Lorena ang papel na naglalaman ng sulat nya para kay Sean.

Ito na iyong araw na pinakahihintay nya. Makakaalis narin sya sa bansang ito patungo sa Saudi, mahahanap narin nya sa wakas ang kanyang ina.

"Aalis na kami Lorena" akmang sasakay na sya sa inarkila nyang taxi nang hawakan sya nito sa braso.

"Hintayin mo sina Quise at Gabo"

Oo nga pala, hindi pa sya nakakapagpaalam ng maayos sa dalawang iyon. Mabuti nalang at pinaalala nito.

Naghintay pa sila ng Tita nya ng ilang minuto bago nakarating si Gabo. Bakit so Gabo lang, nasan na si Quise?

"Claudine, flowers for you"

Nagtataka nyang tinanggap iyong bulaklak na inaabot nito. Mukhang pinitas lang sa kung saan, pero mabango ah?

"Salamat Gabo, pero bakit mo pa ako bibigyan nito? Alay mo ba ito sakin, bakit mamamatay na ba ako?" nakakunot na tanong nya rito habang sinusuri ang bulaklak.

"Ikaw talaga Claudine. Gusto lang kitang bigyan niyan. Matagal-tagal rin tayong magkakahiwalay, mamimiss kita" nabigla sya nang yakapin sya nito.

Niyakap nalang rin nya ito tutal wala naman si Quise, tsaka yakap bilang kaibigan lang naman iyon eh kaya walang malisya.

"Tama na iyan Claudine, tara na" napahiwalay sya rito nang higitin na sya ng Tita nya papasok ng sasakyan.

Sandali pa syang nagpaalam sa mga ito bago tuluyang umalis. Sana maunawaan sya ni Sean kung bakit sya aalis through letter.






Nakangising pumasok si Lorena sa kanyang malawak na silid. Hawak-hawak nya iyong letter na ipinabibigay ni Claudine para kay Sean. Sumalampak pa sya sa kama nya.

"Claudine, kawawa ka naman" nakangisi nyang sabi bago sinimulang buklatin ang sulat.

Pasensyahan nalang sa pinsan nya at sa Tita nya na kasama nito. Sinabihan na nya ang matanda na hwag ng sumama pero nagpumilit ito kaya damay na ito sa plano nya.

Well, hahayaan nyang magdusa ang mga ito sa Saudi. Wala naman talagang susundo sa mga ito, bahala silang maligaw at matulog sa lansangan.

It is a good idea right? Paniguradong hindi na ito makakabalik sa bansa, kung makabalik man ito ay matatagalan pa. At susulitin na nya ang mga panahong wala ito para makuhang muli si Sean.

Pinakatitigan nya iyong lamang ng papel, Claudine is so immature. Naglagay pa kasi ito ng mga panda stickers, napaka-isip bata talaga.

"Dear Sweetie. Unang-una, hehe sorry kung idinaan ko lamang sa sulat ang pagpapaalam ko sayo. Pupunta ako ng Saudi, kasama ko si Tita. Hahanapin ko ang aking ina at sana ay maunawaan mo. Pakakainin kita ng laman ng bayawak kapag umangal ka. Pasensya na kung idinaan ko sa sulat ang mensaheng ito, natatakot kasi ako na baka hindi mo ako payagan. Nagising na pala si Maria at handa na syang bumalik sa trabaho. Sana mahintay mo ako, babalik rin ako agad kapag naka-usap ko na ang ina ko. Tandaan mong mahal na mahal kita. I love you" malakas ang pagkakabasa nya sa sulat kaya mas dama nya iyong pagka-irita nya.

Inis nyang ginasumot ang papel. Napakalandi, dapat sya iyong nagsasabi ng mahal kita kay Sean eh. Bw*set na babaeng iyan!

Tumayo sya sa mula sa pagkakahiga nya sa kama. Next plan, revise the letter. Nakahanda narin iyong litrato na gagamitin nya para mapaniwala si Sean.

Humanda na si Claudine.






"Sean, maghiwalay na tayong dalawa. Una palang naman ay wala na akong nararamdaman para sayo. Ginamit lang kita para magkaroon ako ng magandang posisyon sa kompanya mo, at ngayon ay wala kanang pakinabang sa buhay ko. Umalis ako ng bansa para makalayo sayo, sana maunawaan mo. Nandyan si Maria, gising na sya at handang bumalik sa trabaho na ninakaw ko sa kanya. Hwag kanang umasa na babalik pa ako dahil kahit kailan ay hindi kita minahal. Nandyan naman ang pinsan kong handang saluhin ang tulad mong naibasura ko na. Salamat sa mga tulong mo pero wala na akong pakialam sayo. Paalam"

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon