Fear To Lose Him
Napapikit si Claudine ng mariin nang magflashed ang camera. Ang sakit sa mata nung light kaya napapikit sya ng mariin.
"Ano ba Sean, gusto mo ba akong mabulag?!" bulyaw nya rito.
"Sorry sweetie, ang cute mo kasi sa anggulo na iyan" nakangiti nitong sabi at muli na naman syang kinuhanan ng litrato.
"Akin na nga iyan!"
Mabilis nyang inagaw mula rito ang camera at sya naman ang kumuha ng litrato. Itinapat nya talaga ang flash ng ilaw sa mata nito, para patas.
"Aww, my eyes!" napatakip pa ng mata ito.
"Ayos kalang?" nag-aalala nyang tanong.
"I can't see anything"
"Eh tinatakpan mo naman kasi ng kamay mo eh"
"No, I really can't see anything" sagot pa nito bago inalis ang pagkakatakip sa mata.
"Oh hayan, siguro naman nakakakita kana?" tanong nya rito nang hipan nya ang mga mata nito.
"Still can't"
"Naku Sean, paano na iyan? Mabubulag kana ba?"
Naku, paano kung mabulag nga ito? Sya na ba ang mag-aalaga rito? Sya ang magpapakain, magpapaligo at sya rin ba ang maghuhugas ng puwet nito kapag na-tae?
Pero napakabaho pa naman ng utot nito, what more kung tae na nito diba? Tapos paano kung mababasa-basa pa ang tae nito diba, na kulay berde pa?
"Hey, kung ano-ano na naman siguro naiisip mo dyan!"
"Sean, paano kung mabulag ka? Tapos nakaramdam ka ng pagtatae? Ako ba ang maghuhugas ng puwet mo? Paano kung kulay green ang tae mo na medyo basa tapos kumalat sa buong paligid ng puwet mo? Ayuko pang maputulan ng daliri, kasi ang alam ko puno ng acid iyon"
"Damn, iyan talaga ang pumasok sa isip mo Claudine?! That so gross and disgusting!" bulalas nito sa kanya
"Eh iyon ang pumasok na ideya sa isip ko eh!"
"Damn your brain!" napasimangot sya nang marinig ang sinabi nito.
"Aray naman!" himutok nito nang batukan nya ito.
"Anong damn ang pinagsasabi mo huh? Huy, mahal na mahal ko ang napakaganda kong utak kaya hwag mo itong masumpa-sumpa ah?!"
"Sorry na" nakangusong sabi nito bago hinapit ang bewang nya palapit rito.
"Apology accepted, basta hwag mo na uulitin iyon"
"Yes Ma'am"
Ma'am, kailan pa sya naging guro? Minsan talaga may pagka ano rin itong si Sean eh. I-umpog nya kaya ang ulo nito sa pader mamaya?
"Hindi kapa ba magtatrabaho?" tanong nya rito.
Humiga kasi ito sa lap nya. Kailan pa kaya naging unan ang hita nya? Masubukan nya nga mamaya, hihiga rin sya sa hita nito at iipitin nya talaga ang kabote at itlog nito.
"No, tinatamad pa ako. Anyway, diba may gusto kang sabihin?"
Bigla naman syang nagseryoso. Oo nga pala, magpapaalam nga pala sya rito na aalis muna sya at mawawala ng isang linggo.
"Sean, baka mawawala ako ng isang linggo"
"Why?" umupo ito ng ayos para humarap sa kanya.
"Uuwi kasi ako ng probinsya eh"
"Can I go with you?" nagulat sya sa sinabi nito.
"Anong sinasabi mo dyan? Syempre hindi!" napasimangot naman ito agad.
BINABASA MO ANG
Samonte Series1; The Rugged Boss
General FictionUNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya ay tahimik na ito pero kahit paano ay ngumingiti pa. But he changed. Niloko sya ng isang babae na t...