Chapter 16;

15.2K 408 62
                                    

Evasion

Linggo ngayon at nakatulala lang si Claudine habang nakaupo sa kama nya at nakatanaw sa may labas ng bintana.

Hindi nya magawang ngumiti o maging masigla man lang dahil hindi maalis sa isip nya ang mga katagang binitawan ng kanyang masungit na boss na si Sir. Sean.

[Flashback]

"I'm laughing because you are assuming! Why would I be jealous? You can flirt anyone you like but you have to give a consideration in my company. Haha, baka masira ang image ng kumpanya ko Claudine because of you. But anyway, you win! You make me laugh" tumawa pa ito pero hindi nya ito magawang sabayan.

"Hindi ko alam kung sinong paniniwalaan ko sa inyong apat. Tatlo silang nagsabi sakin na ginagawa mo raw ang gawaing iyun sa loob ng kompanya ko Claudine. They also mentioned me na iyun ang dahilan kung bakit madalas kang late----" hindi na nya ito pinatapos pa sa pagsasalita.

[End Of Flashback]

She can't believe her boss na mas paniniwalaan nito ang tatlong babae na iyun na wala namang ginawa kundi ang asarin, awayin at siraan sya rito. She can't believe na mas naniwala ito sa mga kasinungalingan ng tatlo kesa sa kanya na secretary nito at mas kilala nito.

She tought that they are already friends. Pero kung sa bagay, masyado syang naging mapusok at abusado pagdating sa boss nya na kahit paano ay mabait sa kanya.

Nabasa nya noon sa isang website na ang secretary ay hindi dapat nakikipagkaibigan o nakikipaglapit sa kanyang amo.

At iyun ang mali nyang nagawa. Kaya naman she will make it right, iiwas na sya sa amo nya. She will be just his secretary. Uulit-ulitin nya iyun sa sarili nya.






Nakaupo lang si Sean sa matigas na upuan sa sala ng bahay nina Claudine at ng Tita nito, binisita nya kasi ang kanyang sekretarya.

Kanina pa nga syang naghihintay rito pero hindi pa lumalabas sa itinurong kwarto ng matandang nagpapasok sa kanya.

Naisip nalang nya na naliligo ito dahil nakakarinig sya ng tubig na umaagos mula sa faucet. Obvious rin naman eh.

"Sir, inom po muna kayo" nakangiting inabot nung matanda iyung baso na may lamang Dalandan juice.

"Salamat po" tinanggap naman nya iyun kaagad.

Akala nya ay aalis na ito pero nanatili pa ang matanda sa tabi nya. Nakangiti itong nakatitig sa kanya kaya lumagok sya ng juice dahil nanunuyo ang lalamunan nya.

Alam na kaya nito na may pinagtalunan sila ni Claudine? Kaya nga sya narito ay para makausap ang pamangkin nito at para humingi ng paumanhin sa mga nasabi nya sa dalaga.

"Sir, ano po palang dahilan ng pagbisita nyo rito?" nakangiting tanong pa ng he think ang Tita ni Claudine.

"I just want to talk to your niece, Ma'am" magalang nyang sagot.

Kahit naman madalas nyang sigawan at sungitan ang pamangkin nito ay may galang parin sya rito at nakokonsensya parin sya.

"Tungkol saan?"

"May hindi lang po kami pagkakaintindihan ng pamangkin nyo"

Tumawa ito ng pagak na talagang pinagtakahan pa nya, hinampas pa sya nito sa braso nya. Napataas tuloy ang isa nyang kilay dahil sa ginawa nito.

"Alam nyo, ganyan talaga ang relasyon. Palaging may hindi pagkaka-intindihan, basta ang mahalaga ay walang susuko sa inyo"

The f*ck? Mas napakunot yata ang noo nya, ano bang pinagsasabi nito? Bakit parang lampas pa sa pagiging boss at assistant ang tingin nito sa kanila ni Claudine?

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon