Chapter 5

21.7K 613 65
                                    

Bad Day

Napabalikwas ng bangon si Claudine nang marinig ang malakas na tunog ng stainless na palanggana, tila pinupukpok ito ng kung ano. Nakita na lang niya na nakatayo na pala sa kanyang harapan ang tita niya at masama ang tingin nito sa kanya.

“Tita, ano iyun?”   tanong nya kaagad.

“Aba, anong oras ka pa magigising?”   nagpamaywang na tanong ng kanyang tiyahin.

“Hindi ko po alam kung anong oras na eh. Pero gising naman na po ako, may ipag-uutos po ba kayo Tita?”   may paghikab na tanong niya.

“Ano kabang bata ka?! Anong oras na huh?!”

“Tita naman, ginising nyo lang po pala ako para itanong kung anong oras eh. Ang sarap-sarap pa naman ng tulog ko.”

Tunay naman na ang sarap-sarap ng tulog nya dahil nagkaroon sya ng magandang panaginip na na-udlot nga lamang dahil madalas talaga epal itong tiyahin niya. Pero speaking of her panaginip, hindi niya naiwasang kiligin.

Iyung masungit na lalaki kasi ang napanaginipan niya. Crush daw sya nito at niyayang magpakasal, agad-agad. At nung magkikiss na sana sila ay naputol na iyung scene na iyun nang bulabugin sya ng kanyang tiyahin. Nasira tuloy ang masarap na tulog niya.

“Bumangon kana at maligo!”

“Maligo? Ang aga pa po ah?”   may pagkamot pa sya sa ulo.

Nagtataka siya dahil masyadong weird ang tiyahin niya ngayon. Hindi naman kasi ito madalas na ganito sa kanya. Parang kahapon lang ay hinahayaan lang siya nito na tulog kahit tanghaling tapat.

“Lintek namang bata ka! Baka nakakalimutan mong may trabaho ka pa na kailangang atupagin?!”   bulyaw nito sa kanya kaya napatakip sya ng tainga.

Teka nga lang, sandali. Sinabi ba nitong may trabaho siya? Natutop niya ang kanyang labi nang maalalang natanggap na nga pala siya sa trabaho. Naku lagot na, nakalimutan nyang may trabaho na sya.

Isa na nga pala siyang certified secretary ni Sir. Sean Samonte, ang dakilang masungit na boss ng Samonte's Empire. At heto siya ngayon, naka-upo pa rin sa ibabaw ng kama, sabog ang buhok at kapit na kapit pa ang malagkit niyang muta sa mata.

“Aba'y hindi kapa talaga kikilos?!”    inis na tanong ng kanyang tiyahin bago kaagad syang kinurit sa singit.

Napangiwi sya dahil sa kirot na naramdaman sa pribadong parte ng kanyang katawan. Nakakumot na nga sya pero ramdam nya parin ang pagkurot nito. Kahit kailan talaga, walang patawad.

“Babangon na po!”   bulalas nya at nagmamadaling tumayo.

“Anong oras na po ba?”

“8:00 AM na! Isang oras kanang late sa trabaho mo!”

“A-ano?!”

Lagot sya nito ngayon sa masungit nyang amo.










Hindi niya alam kung dapat pa ba siyang tumuloy dahil isang oras na siyang huli sa trabaho, kailangan niya pang maligo, kumain at mag-ayos ng sarili. Magco-commute pa siya, baka abutin siya ng isa pang oras.

Pero kahit ganoon ay kumilos na agad siya. Naligo, kumain at inayusan ang sarili. Sandali lang siyang nagpaalam sa tiyahin niya at kaagad na umarkila ng sasakyan patungo sa kompanyang pagta-trabahuhan niya. Walang ano-ano’y tumakbo siya nang mabilis papasok sa loob pagkarating niya.

“Excuse me po!”

Pinagpilitan niyang makipagsiksikan sa mga taong nakasakay sa loob ng elevator pero napansin nalang niyang may tumutunog sa elevator at hindi ito nagsasarado. Hala, ano naman kayang nangyayari? Sinusumpong yata itong elevator.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon