Sweet Cookies
It's been a week nang magkaroon ng kaunting palabas sa labas ng building ng Samonte's Empire.
Ilang araw syang kinuyog ng ilang press na nakakaalam tungkol sa nangyari. Mga chismosa talaga ang mga paparatzi diba?
Hindi nya kasi naisip sa una na baka maging artista sya sa ginawa nyang pagdadrama sa labas ng isang sikat na kumpanya sa bansa nila.
Well, hindi nyo naman sya masisisi. Akala nya talaga ay mawawala nalang lahat ng paghihirap nya at masasayang lahat ng effort nya.
Mabuti nalang nga at umaksyon agad ang kumpanyang pinagtatrabahuhan nya. Hindi na kumalat ang eskandalong ginawa nya sa social media. Pero syempre, madaming nakakitang tao at hindi na iyun mabubura sa isipan ng mga iyun.
Nasa kalagitnaan sya ng pagninilay-nilay nang bumukas ang pinto ng opisina ng kanyang amo at iniluwa niyun ang naghuhumiyaw sa kapogian niyang boss.
"What are you doing Claudine?"
"Wala naman po Sir"
"Kung ganun, umuwi kana muna"
"Bakit po?" nagtatakang tanong nya bago nilingon ang wall clock.
Seryoso? Masyado pang maaga para umuwi, alas tres palang ng hapon. Bakit naman sya nito pauuwiin ng ganito kaaga?
"Wala naman akong ipag-uutos sayo today. Just go home" sabi nito bago sya tinalikuran at muling pumasok sa opisina.
Bagsak ang kanyang balikat na napasandal sa kanyang upuan. Wala paring pagbabago sa komunikasyon nilang dalawa ng amo nya.
Mas lumala pa nga eh. Mas naging masungit ito sa kanya at minsan nalang sya nito utusan. It's so weird right?
Napapansin nya ring iniiwasan sya nito this past few weeks. Gustong-gusto nya itong kausapin pero wala naman syang magagawa.
Teka, wala nga ba?
She is Claudine Manalo, isang magandang babae with smart brain! Madiskarte rin syang babae.
Napangiti sya nang may pumasok na ideya sa isipan nya. She know what to do para makausap ang kanyang masungit at mailap na boss.
Ginabi yata si Claudine sa kumpanya, ang dami nya kasing inilista na bibilhin nyang ingredients para sa lulutuin nya bukas.
Planado na lahat ng gagawin nya para balik sa dati sila ng boss nya. Miss narin kasi nya ito. Wait what, bakit naman nya mamimiss ito?
Ah bahala na! Miss man nya ito o hindi ang mahalaga ay magka-ayos na silang dalawa ni Sean, ang masungit nyang boss.
"Claudine? You're still here?"
"Ay opo Sir!"
"Why are you still here?"
"May tinapos lang po akong gawin Sir. Sean"
Tinitigan lang sya nito ng halos limang minuto bago sya nito tinalikuran tsaka naglakad paalis. At ganun-ganun nalang iyun? Basta nalang sya nitong iiwanan?
Mabilis nyang inayos ang kanyang gamit at nagtatakbong sinundan ang boss nya. Ganun nalang ang pagtakbo nya kahit matisod pa sya, mahabol lang si Sean na nakapasok na pala sa papasaradong elevator.
Nakahinga sya ng maluwag nang makaabot sya papasok ng elevator. Mabilis syang kumapit sa matipunong braso nito.
Saglit sya nitong tinapunan ng tingin kaya ngumiti sya ng malawak rito. Kainis lang dahil deadma sya nito, di bale! Kikiligin ito bukas.
BINABASA MO ANG
Samonte Series1; The Rugged Boss
General FictionUNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya ay tahimik na ito pero kahit paano ay ngumingiti pa. But he changed. Niloko sya ng isang babae na t...