Sad Eyes
"I heard what you said Ms. Manalo"
Nanginig bigla ang kanyang mga kamay. Narinig pala nito lahat ng kanyang sinabi, katapusan na talaga nya.
"Ahahah, Sir kayo pala?"
"Yeah it's me. It is really me, your fucking boss Ms. Manalo" napakagat labi sya nang diinan nito ang word na boss.
"Alam ko pong boss kayo Sir! Hindi naman po ako t*nga" natatawa nyang sabi rito bago napakamot pa sa ulo.
"Don't be pedantic at me Ms. Manalo, I'm your boss!"
"Then don't be rugged to me Sir. Samonte, I'm your secretary" humalukipkip sya bago taas noong tinitigan ang masungit na lalaki.
"The h*ck?! Sinusubukan mo ba talaga ako?"
"Yes Sir!"
"I don't want a stupid secretary, I should fire you now"
Natigilan sya, mabilis syang tumakbo palapit sa kanyang amo. Yumakap sya sa matipunong braso nito na ikinagulat ng lubha ni Mr. Sungit.
"Charot lang Sir! Kayo talaga hindi mabiro, umaarte lang naman po ako. Pangarap ko po kasing mag-artista someday"
"Just do your job" sabi pa nito bago lumayo sa kanya at tumalikod.
Napakasungit naman talaga ng lalaking iyun. Dapat siguro ay kaibiganin nya rin iyun para di na sya masigawan pa nito.
"Ms. Manalo!"
Nilingon nya ang binatang nakatayo sa tapat ng nakabukas na pinto ng opisina nito. May sasabihin pa yata.
"Bakit po?"
"This is my last warning, stop calling me rugged. Do you understand Ms. Manalo?"
"Sige po Sir, basta tawagin nyo rin po ako sa pangalan ko"
Kumunot ang noo nito dahil sa sinabi nya. Why the h*ck he will call her by her name? Mas maganda nga kung Ms. Manalo ang itatawag sa kanya para pormal pakinggan.
"Kasi Sir, hindi lang kita gustong maging boss. I want you to be my friend"
Ngumiti sya ng malawak. She didn't know na natutunaw na ang binata dahil sa kanyang mga ngiti.
"Hay sa wakas, natapos narin ako!" nag-inat-inat si Claudine at humikab pa.
Wala syang ginawa kaninang tanghali hanggang maggabi kundi ang magtipa ng magtipa sa computer.
Nung una ay nage-enjoy sya, pero hindi pala iyun ganun kadali. Masakit sa likod, sa mata at maging sa daliri.
"Natapos mo na ba iyung power point na pinapagawa ko sayo?" mabilis syang napa-angat ng tingin sa lalaking nagsalita.
Ang masungit ngunit naghuhumiyaw sa kagwapuhan nya palang boss. Ang hot yata nito ngayong oras na ito dahil nasisinagan ng ilaw ng buwan na tumatagos sa window, o sadyang hot na talaga ito?
"I'm asking you Ms. Manalo" mabilis naman syang bumalik sa sarili nya.
"Ay opo Sir. Sungit, natapos ko na po! Nakakapagod po pala ito ano? Palit nalang po tayo Sir ng posisyon sa susunod. Ako po ang mag-uutos sa inyo, grabeh Sir. nakakapagod po pala talaga"
"Are you saying na ikaw ang magiging boss ko? And are you calling me Mr. Sungit?" kunot noong tanong nito sa kanya.
"Opo Sir sungit!"
"Do you really want me to fire you?"
"Ayaw Sir. Kayo naman po kasi eh, sinabi ko na po sa inyong tawagin nyo ako sa first name ko"
BINABASA MO ANG
Samonte Series1; The Rugged Boss
General FictionUNEDITED Meet Sean Samonte, a.k.a Mr. Sungit. Nagmana yata ito sa kanyang gwapong ama na ngayon ay retired beast na. Masasabing bata pa lamang siya ay tahimik na ito pero kahit paano ay ngumingiti pa. But he changed. Niloko sya ng isang babae na t...