Chapter 24

15.1K 434 24
                                    

Samonte Family 2

Nakalimang beses na yata si Claudine sa pagkuha ng juice na nakahain sa dining table. Nanunuyo ang lalamunan nya dahil sa bawat pagtitig ni Sean sa kanya.

Gustong-gusto na nga nyang umuwi ngayon pero hindi sya payagan ng ina nito which is Tita Sophie.

Nag-iisa sya ngayon habang nakatayo malapit sa dining table. Magkakasama at nag-uusap kasi ang family ng Samonte.

Hiyang-hiya na nga sya eh, family day pala ng mga ito tapos pumunta pa sya. Nagmukha tuloy syang outsider. Nakakainis.

"Hi"

Napapitlag sya nang may isang babae ang lumapit sa kanya. Maganda rin ito at mukhang mabait, pero syempre mas maganda sya kesa rito.

"I'm Veronica, you are?"

"Claudine!" nakangiti nyang sagot rito.

"So you are the secretary of my brother?"

Brother? Ang ibig bang sabihin nito ay kapatid nito ang masungit nyang boss na walang iba kundi si Sean? Pero bakit hindi sila magkahawig?

"Kapatid ka nya?" paninigurado nya.

"Not by blood but yes, kapatid ko sya"

Ganun pala. Nilingon nya sandali ang kinaroroonan ni Sage, ang kakambal na lalaki ng boss nya.

Napansin nya kasi kanina na kakaiba ang tingin nito na ipinupukol kay Veronica. May kakaiba talaga eh, pansin nya ring pinagseselos nito si Veronica gamit si Aera. Ang girlfriend daw nito.

"Mukhang napansin mo rin ang kalokohan ni Sage" nakangiting sabi ni Veronica sa kanya.

"Bakit ganun iyung mga titig nya sayo? I thought magkapatid kayo?" hindi nya maiwasan ang pagiging chismosa.

"Well, ganyan talaga iyang si Sage. Bata pa lang kami, crush na nya ako. But I don't feel the same way, kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya"

Ganun pala, kawawa naman pala kung ganun si Sage. Nakakalungkot kaya sa feeling na hindi ka gusto ng taong nagugustuhan mo.

"Wala na ba syang chance sayo?" chismosa talaga sya.

"Wala. Ikakasal narin kasi ako eh, sa lalaking pinakamamahal ko. Eight months from now ay magiging Mrs. na ako!" kinikilig na sabi nito kaya ngumiti nalang ako.

"How about you? Do you have boyfriend?"

"Wala, oo maganda ako pero wala pang nanliligaw sakin eh" malungkot nyang sagot rito.

"Wow ah, malakas ang loob mong purihin ang sarili mo. Anyway, totoo namang maganda ka"

Tumawa nalang sya bago lumagok ng juice, pero muntik na nya iyung ma-ibuga nang makita nyang matamang nakatitig sa kanya ang boss nya.

Bakit ba, may dumi ba sa mukha nya? Kanina pa kasing nakakatunaw iyung titig nito sa kanya eh. She feel isolated because of his look.

"Mukhang malapit kanang magkaboyfriend ah?" nilingon nya si Veronica.

"Huh? Ako, manghuhula kaba? Bakit mo alam? Hehe, pwede mo bang hulahan kung sino ang magiging boyfriend ko?"

"Yup, his name is Daniel Sean Samonte" sagot nito bago sya nginitian at iniwan syang mag-isa.

Daniel Sean Samonte?! Mabilis syang napalingon kay Veronica na nakaharap pala sa kanya, medyo malayo na ito sa kanya kaya sinigawan sya nito.

"Obviously, he is!" ngumisi ito bago lumapit sa Samonte family.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon