Chapter 30

14.9K 368 169
                                    

Pain

Balisa si Sean habang nakahiga sa kanyang malambot na kama. Hindi kasi maalis-alis sa isip nya ang mukha ni Lorena nung araw na magkita sila.

Umupo siya sa kanyang kama. Hindi nya maiwasang mapangiti habang hinahaplos-haplos ang kanyang mga labi. Naaalala nya ang paghalik ni Lorena sa kanya three days ago.

[Flashback]

Wala sa sariling lumabas si Sean sa loob ng building ng pampublikong Hospital. Patuloy na umuukitkit sa utak nya ang mga sinabi sa kanya ni Claudine.

Umalis sya para sana makapag-isa, pero laking gulat nya nang makasalubong nya ang babaeng halos ilang taon na nyang hindi nakikita at nakakasama. Nakasalubong nya ang babaeng minahal nya ng sobra.

"Lorena" mahinang sambit nya sa pangalan nito.

"Hi baby"

Natulala sya nang sunggaban sya nito ng yakap. Naamoy nya ang hindi pamilyar na amoy ng pabango nito, siguro nagbago ito ng gamit na perfume.

"B-baby" mahinang bulong nya pagkahiwalay nito sa kanya.

"Baby, I miss you so much"

"Y-you're here?!" masaya nyang tanong rito bago hinaplos ang malambot nitong mukha.

Gusto nyang makasigurado kung totoong nasa harapan na nya ito at hindi guni-guni o imahinasyon lamang. But it is real, narito talaga ang babaeng minahal nya.

"Yeah, I'm here in front of you. I'm totally back baby!"

Niyakap nya ito ng sobrang higpit na animo'y ayaw na nya itong pakawalan. Naluluha sya pero pinigilan nya ang sarili, he don't want to look a gay.

"Baby, do you miss me?" tanong nito sa kanya.

"Yes I miss you so much" sagot nya bago hinalik-halikan ang ulo nito.

"Baby, patawarin mo sana ako sa ginawa ko sayo. Nagsisisi na ako" hinawakan nya ito sa magkabilaang pisnge.

"Hey, wala na iyon sakin Lorena"

Ngumiti ito sa kanya that makes him heart melted. Pero nagulat sya sa sunod nitong ginawa. Hinalikan sya nito ng mariin sa labi.

Nakaramdam sya ng kung ano.

[End Of Flashback]

Pagkatapos nga ng kiss nila ay nagpaalam na agad ito sa kanya. Hindi man lang nya naitanong rito kung saan ba ito nakatira.

Kaya halos tatlong araw syang hindi pumasok sa trabaho eh, naging busy sya sa paghahanap rito pero hindi nya ito mahanap-hanap.

Napabitiw sya bigla mula sa pagkakahawak sa kanyang labi, nawala ang ngiti nya at napalitan ng pagkakunot ng noo.

Bakit ganon, bakit parang may nakalimutan sya? Is he forgot a thing or somebody? Parang meron talaga eh. He really don't know.





Bumuntong hininga si Claudine at pinunasang muli ang mga luha na bumasa na sa kanyang magkabilaang pisnge.

Gabi-gabi na yata syang umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman nya, idagdag pa ang nararamdaman nyang takot na baka bigla nalang syang kalimutan ni Sean.

Tatlong araw na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Texts o calls ay wala, hindi rin ito pumapasok ng trabaho. Bakit ganon?

Sinubukan nyang kontakin ito pero busy ang line. Nagpunta narin sya sa mansion ng mga ito pero palagi daw itong wala doon. Nasaan na kaya iyon?

Miss na miss na nya ito, napupuno narin talaga ng takot ang puso nya. Pakiramdam nya kasi ay hindi na sya mahalaga rito. Hindi man lang nga sya nito naiisip na tawagan o kahit i-text man lang eh.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon