Chapter 8

17.8K 492 61
                                    

Punishment

Lumipas pa ang mga linggo, unconcious parin si Maria kaya tuloy ang naging trabaho ni Claudine.

Tuloy-tuloy rin ang mga kapalpakan niyang nagagawa. Mabuti nalang nga at napagtitiyagaan sya ng masungit na amo.

Pinoproblema nya kung paano nya maipapakita ang kanyang kakayahan sa masungit na boss, pero mas pinoproblema nya ang kanyang kagandahan.

Mukha kasing hindi na tumatalab ang kanyang angking kagandahan dahil mas sinusungitan pa sya ng amo. Hindi na ba sya ganun kaganda para sigaw-sigawan at bulya-bulyawan lamang sya nito?

Mukhang kailangan na nya ng matinding makeover. Tumango-tango sya sa isiping iyun. She really needs a makeover, asap!

"D*mn Claudine! Why are you not answering me?!"

Nabalik kaagad sya sa reyalidad nang marinig ang galit na boses ng kanyang ubod ng sungit na amo mula sa intercom.

Tumikhim muna sya ng dalawang beses bago pinindot ang intercom, magsasalita na sana sya nang may dumating na bisita.

"Hey Claudine"

Napatayo sya nang makilala ang lalaking bumati sa kanya. Kung hindi sya nagkakamali ay ito si Clarence.

Matagal-tagal narin nya itong hindi nakikita. Masasabi nyang mas naging gwapo ito, nag-iba kasi ang hair style na talaga namang bumagay rito.

"Hi Sir Clarence, may appointment po ba kayo with Sir. Sean?" magalang na tanong nya rito.

"Actually no, bumisita lang naman ako rito and then I saw you here"

Ngumiti sya ng pagkatamis-tamis bago ay itinago ang takas na mga buhok sa likod ng tenga nya.

"You look so gorgeous"

Gorgeous daw, sabi na nga ba eh. Hindi parin pala talaga kumukupas ang kagandahan nya. Nasabihan nga sya ng isang mistisong lalaki na gorgeous eh.

"You look so gorgeous before but what happened? You look haggard"

Nawala kaagad ang matamis nyang ngiti na ipinukol nya rito at napalitan ng poker face. Bw*set kasi na trabaho iyan, lalo na iyung amo nyang ubod ng sungit.

"Sir, maganda parin ako" sabi nya rito bago umirap.

"Hey, don't roll your eyes with me woman. I'm just kidding" natatawang sabi nito sa kanya pero hindi na sya nito madadaan sa ganyan.

"But you know what, you look so tired. Wanna go out side with me?"

Napataas ang isa nyang kilay. Wanna go out daw with him. Saan naman sila pupunta at anong gagawin nila sa labas?

"Just eat with me, nagugutom narin kasi ako eh" tumango-tango sya.

Maging siya ay gutom narin. Wala kasi siyang ginawa maghapon kundi ang magtipa ng magtipa sa keyboard ng computer, magbasa ng magbasa ng mga profiles ng clients nila, gumawa ng ilang documents at magset ng appointment. Nakakapagod rin iyun ano?

"So ano, tara?"

"Sige Sir, gutom narin ako" sabi nya at kaagad na inakbayan ang lalaki.

"Woah, are you lesbian?" tila manghang tanong sa kanya ni Clarence.

"Lesbian ka dyan Sir? Sa ganda kong ito pag-iisipan nyo akong tomboy?" inis na usal nya rito.

"I'm sorry" natatawa nalang nitong paumanhin sa kanya.

Dahil sa gutom na sya ay hindi nalang nya ito pinansin at kinaladkad na ito palabas ng building.

Ewan nya ba, pero parang may nakalimutan sya.





Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon