Chapter 21

14.8K 386 10
                                    

Almost A Kiss

Isang linggo pa ang lumipas. At masasabi ni Claudine na madami talagang nangyari na kung ano-ano sa kanila ng boss nya.

Kagaya nalang nga ng nakita nya ang matambok at maputi nitong puwet at ang nakakalaglag panty na kabote nito.

Hindi lang iyun. May nangyari pa sa kanilang dalawa nung time na binigyan nya ito ng condom na sana pala ay hindi nalang nya ginawa.

[Flashback]

Nagmamadaling tumayo si Claudine mula sa inuupuan nyang swivel chair. Pinapatawag kasi sya ng boss nya sa loob ng opisina nito.

Pagkapasok palang nya sa loob ng office ng kanyang masungit na boss ay nakita nya kaagad ang nakakatakot na aura nito.

Bakit kaya? Hindi ba nito nagustuhan ang nsging hitsura ng office nito? Pero akala pa naman nya ang magugustuha iyun ng kanyang boss.

"Bakit po Sir? Hindi nyo po ba nagustuhan ang bagong hitsura ng office nyo?" tanong nya kaagad rito nang huminto sya sa harapan nito.

"It's not about that" kumunot naman bigla ang noo nya.

It's not about that daw. Eh kung ganun ang dahilan ay ang napakaganda nyang litrato? Bakit, ayaw ba nito? Ang ganda nya kaya. Stress reliever kaya ang ganda nya.

"Eh ano Sir? Don't tell me iyung picture ko na idinisplay ang ikinagagalit nyo? Sir, sa ganda kong ito ay ipinapangako kong mawawala lahat ng pagod nyo kapag nakita nyo ang picture ko. Alam mo ba Sir, sabi ng Tita ko ay pwede na daw ako maging model at actress dahil maganda ako at sex-----" hindi nya naituloy ang sasabihin nang hampasin ni Sean ng malakas ang table nito.

Napasimangot sya, umagang-umaga ay ang init-init na naman ng ulo nito. And guess what, nagsusungit na naman. Konting-konti nalang talaga, baka makakita na sya ng dragon na nagbubuga ng apoy.

Pero pwede rin namang isang nagngingitngit sa galit na leon tapos bigla nalang sya nitong susunggaban at kakainin agad ang ulo nya.

Hwag naman sana, baka madaming malungkot at umiyak na mga kalalakihan kapag namatay sya. Mahirap na makahanap ng tulad nya. Maganda, sexy, cute at isang babaeng happy goal lucky.

"What's this?" tanong ng amo nya habang walang lingon-lingon sa kanya pero napatitig ito sa mga mata nya dahil sa naging sagot nya rito.

"Lobo po iyan Sir, balloon in english Sir"

Hindin pala nito alam kung ano ang lobo? Tinagurian pa naman itong matalino at madiskarte, saan banda? Sa makinis at maputi ba nitong puwet? O sa makipot nitong kuyukot?

Napahilamos ito ng mukha na parati nitong ginagawa kapag naiinis siguro, bago hinilot-hilot pa nito ang bridge ng sarili nitong ilong.

"Damn Claudine! This is not a f*cking balloon, this is a damn condom!"

"Bakit Sir, sinabi ko bang hindi iyan condom? Alam ko pong condom iyan, ako pa nga po ang naglagay ng hangin sa loob eh"

Naiinis na sya sa boss nya ah? Sa kanya pa nito ibibintang ang pagiging boba. Simpleng condom lang naman iyun, syempre alam nya kung ano iyun. Lobo iyun diba?

"Then why are you giving this thing to me?!" takang tanong nito sa kanya.

"Sir, magagamit po natin iyang dalawa para mas tumibay pa ang pagsasama natin"

Napansin naman nya kaagad ang pagtahimik nito at nakatitig lamang ito sa kanya na para bang hindi makapaniwala sa mga sinabi nya. Bakit, iyun ang sabi sa kanya ni Qasie eh.

"Claudine, do you know what you are talking about?!"

Tumango-tango sya. Napangiti pa sya kasi naalala na naman nya ang malaki nitong kabote. Hehe, abg cute talaga.

Samonte Series1; The Rugged BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon